HALOS isang linggo (ngayong araw, Enero 27) palang inanunsiyo nina James Reid at Nadine Lustre na hiwalay na sila pero nanatili silang magkaibigan at magka-trabaho kaya may dahilan kung bakit nakikita pa rin silang magkasama sa events lalo’t pareho silang imbitado.

James at Nadine

Kalat ngayon sa social media ng kani-kanilang supporters ang ilang litrato at videos ng JaDine sa Alamat Filipino Pub & Deli sa Barangay Poblacion, Makati City nitong Sabado, Enero 25.

Ang tsika sa amin ay parehong imbitado sina James at Nadine sa nasabing okasyon at masayang nag-uusap ang dalawa sa isang sulok, base na rin sa nalathalang litrato sa isang blogsite.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sabi pa ng aming source, “seems they’re okay, sweet si James kay Nadine.”

Nitong Enero 22 ay nasulat namin dito sa Balita na naguguluhan kami sa tsika ng isa pa naming source na “kunwari hiwalay para sa career.”

Anyway, anuman ang totoo sa relasyon ngayon ng JaDine umaasa ang supporters nilang magbalikan sila at kung hindi naman totoong hiwalay, sana sabihin na rin nila ang totoo.

-REGGEE BONOAN