KASAMA sa cast ng Descendants of the Sun si Andre Paras bilang si Dr. Ralph Vergara, isa siyang doctor at member ng medical team ni Dr.Maxine dela Cruz (Jennylyn Mercado). Napansin agad namin na maaliwalas ang mukha ni Andre at dahil ‘yun sa nag-ahit siya ng bigote.

Andre

Para rin maging makatotohanan ang kilos niya at pagde-deliver ng dialogue bilang doctor, sumailalim ng training si Andre at mga kasama sa medical team. May doctor din tuwing may taping sila bilang consultant para maayos ang takbo ng mga eksena ng medical team.

Masaya si Andre na makasama sa DOTS dahil isa ito sa biggest project this year ng GMA-7, big cast ang kanyang kasama at alam niyang marami ang naghihintat sa airing nito. Sa February 10, na ang pilot nito sa direction ni Dominic Zapata.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Anyway, kaibigan ni Andre sina James Reid at Nadine Lustre at hindi naiwasang matanong ito sa break-up daw ng dalawa. Ang sabi ni Andre, bilang kaibigan ng dalawa, hindi na lang nila pinansin ang isyu dahil alam nila kung ano ang totoo. Iyon nga lang, hindi nag-elaborate si Andre kung ano ang alam niya.

“Alam namin ang totoo. Basta, alam ko,” sabi nito.

Natanong din si Andre tungkol sa mom niyang si Jackie Forster dahil kapag nandito ang mom niya at mga kapatid at nitong huli ngang punta nina Jackie sa bansa, kasama pa ang husband nito. Si Kobe lang ang nakita sa photos at video na kasama nila Jackie, wala si Andre.

Pinansin din ng netizens na hindi binabanggit ni Jackie ang name ni Andre at “A” lang ang isinusulat sa post nito.

Ayaw na ring mag-comment ni Andre sa isyu nila ng kanyang nanay. Ang sabi lang, “May private life rin kami and whatever is private, we keep it private para less hassle. Magsalita man ako o hindi, maba-bash pa rin naman ako, so mas maganda kundi na lang ako magsasalita. But we are okay,” paniniyak ni Andre.

-Nitz Miralles