ISA pang nagbabalik sa showbiz ay si Andi Eigenmann na huling napanood sa pelikulang All Souls Night noong Oktubre 2018 handog ng Viva Films.

Mas madalas na kasi si Andi sa Siargao kung saan nagpapaANDIgawa sila ng partner niyang si Philmar Alipayo ng malaking bahay na gagawin din nilang Bed and Breakfast restaurant ang kalahati.

Kung tama ang bilang namin ay buntis noon si Andi sa ikalawa niyang anak na si Lilo nang dumalo siya ng presscon para sa nasabing pelikula na ginanap sa Vera- Perez Mansion.

Hulyo 2019 nang ipanganak ni Andi ang bunso at simula noon ay madalang na siyang lumuwas ng Maynila.

Tsika at Intriga

Gretchen kumain ng 'piattos' habang pinanonood si PBBM: 'The New Teleserye'

Larawan ng kuntentong ina at maybahay si Andi sa simpleng pamumubuhay nito sa Siargao base na rin sa kanyang vlog sa Youtube na mayroon ng 2.3M views sa loob ng dalawang linggo.

At nitong Miyerkoles ay nag-post si Andi na nalulungkot siya at nahihirapan dahil isang buwan niyang iiwanan ang bunsong si Lilo kay Philmar dahil kailangan niyang lumuwas ng Manila para sa pelikulang gagawin nito na hindi pa binanggit kung anong titulo, direktor at producer.

“And now comes the hardest part. After almost 6 months, I am leaving Lilo for the very first time with papa on the island, because I will be busy filming a new movie,” post niya sa Instagram.

Habang nasa Manila ay sa dating tirahan niya titira si Andi at makakasama ang panganay na si Ellie, na dito nag-aaral at nakatira sa daddy niyang si Jake Ejercito kaya tuwing bakasyon lang siya nasa Siargao.

-Reggee Bonoan