MATAGAL nang wish ng mga fans nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado na muling magkatambal ang kanilang mga idolo sa isang teleserye, after nilang magtambal sa My Faithful Husband, in 2015. Pagkatapos noon ay iba-iba na ang nakatambal ni Dennis. Pero nauna rito ay gumawa muna si Dennis ng isang controversial series, ang My Husband’s Lover with Tom Rodriguez and Carla Abellana. Pinag-usapan ito dahil ito ang first gay themed drama series na ipinalabas sa TV noong 2013.

Dennis Trillo - 071818

At ngayon, isa pa ulit serye ang gagawin ni Dennis titled Legal Wives na isa sa upcoming teleserye ng GMA Network sa pagsi-celebrate nila ng 70th anniversary sa Bagong Dekada. Sa ngayon, wala pa silang sinasabi kung sinu-sino ang gaganap na legal wives ni Dennis. Maging kontrobersiyal ba muli ito?

Samantala, malapit nang mapanood sa primetime telebabad ng GMA ang Philippine adaptation ng Korean drama na Descendants of the Sun next month, sa February, 2020, na magtatampok kay Jennylyn, at first team-up nila ni Dingdong Dantes.

Relasyon at Hiwalayan

Ria Atayde, flinex paboritong bahagi ng araw niya

Kaya ang mga fans nina Dennis at Jennylyn, ready nang suportahan ang kanilang mga idolo sa first concert nila together, ang CoLove ang post-Valentine concert nila sa New Frontier Theater sa February 15.

Samantala, patuloy na nagti-taping si Dennis ng special episode ng Daig Kayo Ng Lola Ko titled Sa Ilalim ng Buwan na first team-up nila ni Barbie Forteza. Mapapanood ito every Sunday evening, pagkatapos ng Amazing Earth.

-NORA V. CALDERON