NADAGDAGAN ng angas ang Mighty Sports-Pilipinas sa pagpayag ni Ateneo star Thirdy Ravena na maglaro sa koponan para sa 2020 Dubai International Basketball Tournament.

Ang 6-foot-3 guard ang pinakabagong ‘big star’ sa collegiate league na nakasama ng koponan para sa torneo na nakatakda sa Enero 23.

Personal na ipinahayag ni Head coach Charles Tiu ang naging desisyon ni Ravena sa kanyang Twitter nitong Miyerkoles.

Naunang sumama sa Mighty ang magkapatid na Javi at Juan Gomez de Liano; 7-foot-2, 17-year-old Kai Sotto; Dave Ildefonso; Jamie Malonzo; at Andray Blatche.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA