KINAGILIWAN ng mga press si Joaquin Domagoso, or JD Domagoso, 18, anak ni Manila Mayor Isko Moreno na sinundan na rin ang yapak ng ama sa pag-aartista. Nasa GMA Network na si JD at isa sa mainstays ng All-Out Sundays ang bagong Sunday noontime show ng GMA. During the show, kitang-kita ang pagiging energetic ni JD, pero ang napansin talaga sa kanya, nang naghihintay sila ng kapwa Kapuso stars sa finale, at may mga kumakanta pa, sinasabayan niya iyon, wala siyang pakialam kung anu-ano ang inaarte niya, kumakanta, sumasayaw.

JD

Kaya nang makausap siya after the show, ganoon daw siya, hindi siya mapakali na basta nakatayo lamang, mahilig daw siyang sabayan ang mga nagpi-perform, pero iyong hindi siya nakikita, para hindi siya makaistorbo.

Mabuti pinayagan siya ng parents niya na pasukin din ang showbiz, tulad ng ama na nagsimula sa That’s Entertainment ni Master Showman German Moreno sa GMA 7, hindi ba siya nahirapang magpaalam?

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“Hindi po naman, basta ang usapan po lamang namin, kailangang hindi ko pabayaan ang studies ko,” sagot ni JD. “At sumusunod po naman ako sa usapan namin. Tuluy-tuloy po ang pag-aaral ko ng Business Entrepreneurship sa Southville International School and Colleges. Kaya as much as possible, hindi pwedeng magka-conflict sa studies ko ang schedules ko.

“Maganda na itong “All-Out Sundays” every Saturday for rehearsals at Sunday ang live show namin. Dati po ay lumabas na rin ako sa Studio 7 na every Saturday naman napapanood sa GMA 7.”

Natawa si JD nang tanungin kung susunod din siya sa yapak ng ama bilang isang politician. Nagugulat nga raw siya sa popularity ng ama, pagkatapos ma-elect na Mayor ng Manila last year. Minsan daw kasi ay nakakasama siya sa mga imbitasyon sa ama at nakikita raw niya kung gaano ito kalapit sa mga tao.

“Wala pa po sa isip ko iyon, dito na muna ako sa pagtatapos ng studies ko at sa showbiz,” natatawang sagot ni JD na sinabayan pa ng pagsayaw.

-NORA V. CALDERON