SA post ni Robin Padilla, naka-confine pa rin siya sa Dr. Jesus Delgado Memorial Hospital dahil sa sinabi nitong infection. Stubborn daw ang infection niya, kaya sa hospital siya nag-New Year at hindi nakasama ang asawang si Mariel Rodriguez at mga anak na sina Isabella at Gabriela.

Sa unang litrato na pinost, kasama ni Robin si Sen. Bong Go na dumalaw sa kanya at pinasalamatan. May laman lang ang sinabi nitong, “When you’re up there everyone is your friend and literally want you to pull them up but when you’re down there only a few of the many friends will try to pull you up...a true measure of a true friend maraming salamat partner sa pagpapatawa sa akin at pagpapaiyak sa amin ni mariel sa kagalakan. Mabuhay ka.”

Dinalaw din si Robin ng mom niya at mga kapatid at pinasalamatan si Mariel, “for arraning everything for our family,” sabi ni Robin.

-Nitz Miralles
Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco