TARGET ng Philippine Athletics Track and Field Association na makasikwat nang karagdagang atleta na sasabak sa 2020 Tokyo Olympics.
Kumpiyansa si PATAFA president Philip Juico na magagawa ito ng atletang Pinoy, higit at nagtpamalas ng katatagan at lakas ang athletics team sa katatapos na 30th Southeast Asian Games sa napagwagihang 11 ginto, walong silver at walong bronze medal.
Sa kasalukuyan, tanging si pole vaulter Ernest John Obiena ang kwalipikadfo sa quadrennial Games matapos lagpasan ang Olympic standard sa nailistang 5.81 meters sa Street Meet sa Chiara, Italy nitong September. Dinugtungan niya ng tagumpay ang kasaysayan sa bagong Game record na 5.45 meters sa SEA Games.
“We have more work to do. I think there will be more qualifiers from athletics,” pahayag ni Juico.
Pambato ng Patafa para sa Olympic slots sina trackster Kristina Knott, shot putter William Morrison, pole vaulter Natalie Uy at hurdles Eric Cray.
Umani ng dalawang ginto si Knott sa SEA Games sa 200 meters at 4x100 mixed relay. Naitala niya ang bagong SEAG record na 23.07 segundo sa 200 meters, isang pitik ang layo sa Olympic qualifying time na 22.08.
Naitala rin ni Morrison ang bagong SEAG record sa shot put sa layong 18.38 meters.
“Morrison is a candidate for the Olympics. Kaya niya because he is throwing the metal ball at the 20-meter range,” sambit ni Juico patungkol sa 21.1 Olympic standard na kailangang bunuin ni Morrison.
“Hopefully, Cray will make it, too,” aniya.
Mataas ang morale ng athletics team, ayon kay Juico bunsod na rin sa naging tagumpay sa SEA Games. Ang 11-11-8 medal tally ang pinakamatikas na kampanya ng Patafa mula noong 1983 Singapore edition.
Bukod pa rito ang ilang Game records na naiatala ninaObiena, Natalie Uy, Knott at Morrison.
Nakatuon din ang pansin kay Carter Lilly, a graduate of the University of Iowa, na nakapagtala ng bagong National record sa men’s 800-meter sa tyempong 1:47.52 sa Bryan Clay Invitationals nitong Abril sa Los Angeles.
Nakuha rin niya ang Philippine record sa indoor events par sa 600-meter at 800-meter runs sa tyempong 1:16.19 at 1:14.17, ayon sa pagkakasunod
-Edwin G. Rollon