BAGO magtapos ang 2019, natupad ang matagal ng pangarap ni Barbie Forteza na makatrabaho ang matagal na niyang crush na si Dennis Trillo. Magkasama ang dalawa sa episode ng Daig Kayo ng Lola Ko na Sa Ilalim ng Buwan sa direction ni Rico Gutierrez.

Dennis at Barbie

Bata pa si Barbie, crush na niya si Dennis at pinangarap na makasama sa teleserye na kung bakit, hindi nangyayari. Well, ngayon, kahit hindi sa teleserye, tiyak na sobra ang saya ni Barbie sa belated Christmas gift sa kanya at masasabi na ring advance New Year gift sa kany dahil finally, makakatrabaho na niya si Dennis.

Sa pinost na photo ni Barbie, naka-prosthetic si Dennis at parang werewolf ang role ng aktor. Ang caption ni Barbie, “Sa wakas, Lodi! Daig Kayo ng Lola Ko presents SA ILALIM NG BUWAN directed by @ricogutierrez.”

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Wala pang sinabi ng airing date sa nasabing episode. Pero kung next year ang airing nito, ibig sabihin, hindi pa eere ang series ni Sen. Bong Revilla na Agimat ng Agila na papalit sa Daig Kayo ng Lola Ko.

Busy si Barbie dahil bukod sa Daig Kayo ng Lola Ko, nagti-taping din ng rom-com series na Anak ni Waray vs. Anak ni Biday na sa first quarter ng 2020 ang airing.

Kinailangang mag-aral ng Waray ni Barbie para maging makatotohanan sa kanyang role. Pati si Snooky na gumaganap na kanyang ina sa rom-com series ng GMA-7, nag-aral din ng Waray and in fairness, ang ganda nilang pakinggan ni Barbie na nagsasalita ng Waray.

-Nitz Miralles