Dear Manay Gina,

Dalawang taon na kaming kasal ng aking mister at maganda naman ang aming pagsasama. Kaya lamang, nagkaroon ako ng agam-agam sa kanyang moralidad mula nang ipakilala siya ng kanyang pinsan sa kalaguyo nito.

Ang sabi ng mister ko, hindi naman daw siya nagkukulang ng paalala sa kanyang pinsan. Ang ipinagtataka ko lang, kaya niyang harapin ang misis ng kanyang pinsan na parang walang anumang nagaganap. Dahil dito, nag-aalinlangan ako sa moralidad ng aking mister. Repleksiyon ba ito ng kanyang pananaw sa buhay may-asawa? Dapat ko bang kuwestiyunin ang katapatan ng aking mister?

Remy

Dear Remy,

Hindi isyu dito ang katapatan ng iyong asawa. Una, wala ka namang alam na naging kalaguyo niya, o nagawang mali upang magduda sa kanyang katapatan.

Tungkol naman sa propriyedad ng pakikiharap niya sa kalaguyo ng kanyang pinsan, well, ilagay natin ‘yan sa ganito: A first-class guy with integrity would not socialize with a married man and his bimbos. Kaya lamang, hindi man nararapat, tila naging kalakaran na sa magkakaibigang lalaki ang magpakilala ng kanilang girlfriends.

Ang magagawa mo, bilang isang tao na nagpapahalaga sa moralidad, is take the high road, yourself, at iwasan na lamang ang ganitong babae kung sakaling makasalamuha mo sila. Ipahayag mo rin ang opinyon mo sa ‘yong mister upang lubos kayong magkaunawaan.

Nagmamahal,

Manay Gina

” Remember this - that there is a proper dignity and proportion to be observed in the performance of every act of life.”—Marcus Aurelius Antoninus

Ipadala ang tanong sa [email protected]

-Gina de Venecia