MASUSUBOK na at matutunghayan kung ano na ang naging mga pagbabago sa laro ni Kai Sotto mula ng magsanay ito sa Amerika.

Nakatakdang maglaro para sa koponan ng Mighty Sports ang 17-anyos na 7-foot-2 big man sa pagsabak nila sa 2020 Dubai International Basketball Championship.

Inaasahan ni head coach Charles Tiu, na malaking bagay ang pagkakadagdag ni Sotto sa koponan.

“Kai is huge – literally. I’ve seen his progress and his improvement and he gives us the presence of a local big man,” ani Tiu.

Carlos Yulo, '2024 Athlete of the Year' ng PSA

“I think this will also be a good test for him to personally see how far he’s gone playing against imports and guys who are older than him.”

Matapos ang halos isang taong pagsasanay sa US, kasalukuyang may ranggong 4-star recruit sa class of 2020 ng ESPN si Sotto, 76th overall at 11th sa big man department.

Naka-enroll at nagsasanay sa Atlanta-based training ground na The Skill Factory, si Sotto ay gustong i-recruit ng mga pangunahing mga kolehiyo sa US kabilang na ang University of Kentucky, Georgia Tech, at DePaul.

Nakatakdang idaos ang Dubai cagefest sa darating na Enero 23 - Pebrero 1, 2020.

-Marivic Awitan