IMBES na magdagdag, magbabawas ang Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) ng bilang ng miyembro ng National Team.

Ayon kay Patafa chief Popoy Juico, nakatuon ang programa ng asosasyon sa qualifying meet ng mga atleta para sa Olympics at maisasakatuparan ito kung mas malaki ang ponding magagamit para s akanilang pagsabak at paghahanda sa Olympics qualifying.

“We now have a cycle to follow,” pahayag ni Juico. “We just finish SEA Games, then comes the qualif¬ying events for the 2020 Tokyo Olympics, then the 2021 Vietnam SEA Games again and then the 2022 Asian Games. Kailangan natin na ma-sustain ang mga program para sa bawat atleta.”

Kabuuong 80 miyembro ang nagsasanay sa training pool ng Patafa, ngunit inamin ni Juico na lubhang mangangailangan gn pondo ang ‘Elite Team’ higit at ilang buwan nalamang ang kakailanganin sa kanilang pagsasanay para makahirit ng slots sa Tokyo Games na nakatakda sa Agosto 2020.

Muntik mag-suntukan! Beermen vs Taoyuan, nagkainitan sa PBA-EASL

Sa kasalukuyan, tanging si mpole vaulter EJ Obiena ang atletangngf Patafa na nakapasok na sa Tokyo Games, habang nakatakdang sumabak sa abroad sina runner Kristina Knott, Eric Cray at ¬marathoner Christine Hallasgo, at 110-meter hurdles Clinton Bautista.