ITINATAGUYOD nina Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos at Councilor Charisse Abalos-Vargas ang kampanya ni Philippine chess wizard at country’s youngest Woman Fide Master (WFM) Antonella Berthe Murillo Racasa na kakatawanin ang bansa sa nalalapit na Eastern Asia Juniors and Girls Chess Championships Disyembre 9-16 na gaganapin sa sa Lima Park Hotel sa Malvar, Batangas.

racasa

Si Racasa na grade 6 pupil of VCIS - Home School Global ay target na mapataas ang kanyang elo rating at nakatutok sa posibleng pagsikwat ng kanya kauna-unahang Woman International Master (WIM) title norms/ results.

Si Racasa ay suportado din nina D. Edgard A. Cabangon of ALC group of companies, North Cotabato Vice Governor Emmylou “Lala” Mendoza at Eng’r Rogelio SP Lim, President ng RSP Lim Construction Co Inc. at Owner / developer ng Boni Tower.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“I will do my very best for flag and country,” sabi ni Racasa na masisilayan din sa 36th Singapore National Age Group Chess Championships sa Disyembre 27- 30 na gaganapin sa 1 Expo Drive, MAX Atria @Singapore Expo sa Singapore.

Sina International Master (IM) Daniel Quizon at Woman International Master (WIM) Kylene Joy Mordido ayon sa pagkakasunod ang defending champion sa Eastern Asia Juniors and Girls Chess Championships kung saan ibabandera naman ng Indonesia contingent ay sina International Master (IM) Gilbert Tarigan, FIDE (FM) Master Tobing Lumban, Ummi