NAGING emosyonal si Roxanne Barcelo sa nakaraang presscon ng Love is Love na ginawa sa 77 Limbaga Restaurant, kamakailan dahil naalala nito ang namayapang ama habang sinu-shoot niya ang pelikula nila nina JC de Vera, Raymond Bagatsing at Jay Manalo.

JC AND ROXANNE1

Bagama’t maraming blessings siyang natanggap ngayong 2019 ay ito naman ang taong pinakamasakit na nangyari sa buhay niya.

Anya, “Last June, while my parents were vacationing in the U.S., nadulas ang dad ko sa banyo, nabagok ang ulo, na-stroke, he never recovered and passed away in July, Mahirap ‘yung pinagdaanan ng family namin noon. Malaki ang gastos but buti na lang, maraming tumulong. We miss my dad so much up to now.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“Soon after that, dumating naman itong offer na movie, ‘Love is Love’, where I play the lead role. Bale naka-three movies ako this year, along with The Panti Sisters and The Art of Ligaw. Being busy helped me in coping with my grief over the tragic loss of my dad.

“Almost naging gift and therapy para sa akin ‘yung dumating ang mga trabaho sa akin like ‘yung sa Panti Sisters, 3rd day wake ng ama ko diretso ako kaagad, so for a whole month na wala akong tulog especially that week diretso kaagad and the following day nag-shoot kami for Love is Love, sabi ko, I will give my all to honor my dad.

“And I don’t care or people think na bakit hindi ako nagpahinga, wala naman akong ganu’n priviledge, eh. Wala akong priviledge na mag 3-month sa Bali (Indonesia) at mag-aral ng yoga, maging yogini, wala akong ganu’n.

“Ang magkaroon ako ng trabaho is a blessing, everyday is a blessing. Ang iniisip ko, lahat ng trabaho bigay ng Panginoon, lahat ng role, salamat Lord! Lahat ng role na napupunta sa akin is a blessing,” diin ni Roxanne.

Nabanggit niya na bakit siya napasama sa TNT (Tawag ng Tanghalan) gayung mga nakalaban nya ay biritera, napunta siya sa Panti Sisters na isang comedy movie na naniniwala ang aktres na mas maraming nakakatawa sa kanya.

Anyway, nabanggit ni Roxanne na lesbian ang karakter niya sa pelikula ni KZ at abangan naman kung ano ang role niya sa Love is Love bukod sa magiging girlfriend siya ni JC.

“I play Winona, who has long been based in Japan. Fiance ko roon si Neil Coleta as Wacko. Nang umuwi ako ng Pilipinas, pinasalubong niya ako sa airport at ibinilin sa best friend niya, si JC de Vera as Anton. Habang magkasama kami, little by little, Anton falls in love with me. But then, he discovers something in me and so he questions himself about it.” At dito na nagkaroon ng gusot sa pagitan nina Roxanne at JC.

Kaya abangan ang Love is Love sa Disyembre 4 mula sa RKB Productions, a leading bazaar and trade exhibition group sa bansa napag-aari ni Bernard Chong na siya ring may-ari ng World Balance shoes. Ang Love is Love ay mula sa direksyon ni GM Sampedro

-REGGEE BONOAN