KAHIT matagal nang engaged sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, hindi pa rin pala nila napag-uusapan kung kailan ang kanilang wedding. Unang dahilan, this coming December, ay ikakasal ang younger sister ni Matteo, si Georgia, at sumusunod lamang sila sa Pinoy pamahiin na bawal ang sukob sa taon ng kasal.

Matteo & Sarah engaged

Mukhang early next year ay magiging busy rin sina Sarah at Matteo sa kani-kanilang projects. Si Matteo ay pinalitan na si James Reid bilang si Pedro Penduko. Ang movie na ipu-produce ng Viva Films ay naka-schedule nang ipalabas sa 2020, malamang pagkatapos ng 2019 Metro Manila Film Festival sa January, 2020. Dinidirek ito ni Jason Paul Laxamana at leading lady niya si Devon Seron.

Si Sarah naman, kahit wala pang official announcement, balitang may Valentine concert sila ni Asia’s Songbird Regine Velasquez na ipu-produce ng Viva Entertainment.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sa kasalukuyan ay inihahanda pa ito ng management noong nasa bakasyon pa si Regine, pero nakabalik na siya ngayon, kaya tiyak na tuloy-tuloy na ang paghahanda ng coming Valentine concert.

Nangako naman si Matteo na ipaaalam nila ni Sarah kung kailan talaga ang wedding nila, dahil marami nang naghihintay sa kanilang announcement.

-NORA V. CALDERON