At age 58, looking good and healthy si Albert Martinez at hindi man lang sumagi sa isipan niya ang muling pag- aasawa. Ikinasal last October ang second daughter nila na si Alyssa. Ang only son naman nila na si Alfonso ay nagbabalak lumagay sa tahimik next February 2020 sa long time girlfriend nitong si Miki Hahn.

liezl albert

Dahil nag-iisa na lamang ang actor, nagpasiya siyang sa condo na lamang tumira since sobrang laki ng bahay nila for a single person.

Good catch pa rin si Albert sa maraming kababaihang nagpaparamdam sa kanya.

'I was young, wild, and free!' Ellen Adarna inaming ‘hubadera’ siya noong 2016

“Mahirap makakita ng isang katulad ni Liezl. She is irreplaceable. Ayaw ng tumibok ng puso ko at saka very possessive ang mga anak ko. I missed [her] lalo na kapag may memorable events tulad ng Pasko. Sayang at hindi niya naabutang magkaapo dahil pinangarap niya ito,” lahad niya.

Tulad ng nakaugalian ay sa abroad kapiling ng mga anak at apo magpa-Pasko si Albert. He will be taping advanced episodes para sa Kadenang Ginto.

-REMY UMEREZ