Si Dimples Romana ang napili bilang official spokesperson sa nalalapit na wedding ng kaibigan niyang aktres na si Angel Locsin sa film producer na si Neil Arce. Siya rin ang napili bilang Matron of Honor ng soon-to-be-bride na si Angel.

dimples

“Ang sabi nila spokesperson [ako], pero wala pa po akong go signal, e,” pahayag ni Dimples kamakailan lang.

Ayon sa Kadenang Ginto actress, sinisekreto pa nila ang venue sa wedding nina Angel at Neil.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

“Meron na,” matipid na sagot ni Dimples na hindi masagot kung around Metro Manila lamang ito idaraos?

Ayon pa kay Dimples, hindi na niya kailangang magbigay ng advise kay Angel sa pagpasok nito sa buhay may-asawa.

“Angel would always say na, she would always watch me how I am with my family. So, pakiramdam ko, hindi na kailangan i-verbalize. Alam naman niya, ‘My love’ nga ang tawag niya sa asawa ko, e. At some point inisip ko, ‘Baka itong si Darna maagaw pa ‘tong asawa ko, e.’ Pero hindi siya ganoon. Kaya alam ko nang secure ako kahit na ‘My love’ ang tawag niya.Ang sabi ko lang sa asawa ko, ‘Huwag ka namang ma-in love,” biro pa niya.

Nitong Miyerkules ay nagdiwang si Dimples ng kanyang 35th birthday.

Ano ang birthday wish niya?

“I just… parang dyusko, pag nag-wish ako, baka sabihin ni Lord, ‘May wish ka pa?’” natatawa pa nitong sagot.

“Ako siguro, mas wish na lang for people around me to have peace all the time. Ganoon pala yung pakiramdam ng ganoon, ‘no? When you are immensely blessed, you just can’t help but also pray for others. Ako lang naman, sa mga kaibigan ko, sa pamilya ko, sana lagi silang masaya,” aniya pa.

-Ador V. Saluta