OPISYAL nang pumalo ang  Community Volleyball Association (CVA) 18-under tournament  nitong Linggo tampok ang panalo ng Batang Pinoy reigning titlist Califonia Academy of Antipolo at Stalwart Laguna sa San Andres Sports Complex sa Manila.

TEAM TO BEAT? Tunay na liyamado ang Batang Pinoy reingning titlist California Academy-Antipolo sa impresibong panalo sa opening ng Community Volleyball Association 18-under tournament na inorganisa ni actor/director CarloMaceda (dulong kaliwa).

TEAM TO BEAT? Tunay na liyamado ang Batang Pinoy reingning titlist California Academy-Antipolo sa impresibong panalo sa opening ng Community Volleyball Association 18-under tournament na inorganisa ni actor/director CarloMaceda (dulong kaliwa).

Pinangunahan nina Jelaica Faye Gajerio at Kizzie Madriaga ang California Academy tungo sa 25-14, 26-24, 28-26 panalo kontra Gracel Christian College Foundation.

Impresibo rin ang Stalwart laban sa St. Mark's Institute of Las Piñas, 25-15, 21-25, 25-21, 27-25, para sa maalab na panimula sa torneo na inorganisa ni actor-director Carlo Maceda at napapanood sa Light TV.

Metro

Tatay na umano'y nambugbog, sugatan matapos gantihan at saksakin ng anak

Pinangunahan ni Maceda, nagbuo rin ng Community Basketball Association, kasama ang maybahay na si Derlyn Maceda at tournament director Alvin Tañada ang programa sa opening ceremony.

Tinanghal na ‘Player of the Game’ sina Gajerio, at ang pakikipagtambalan niya kay Madriaga ay lakas na nagpaangat sa Antipolo city-based Phoenix ni team owner Dr. Obet Vital at coach Stephanie Cholico.

"Masaya po kami sa panalo namin. Nakahanda naman yun team," pahayag ng 15-anyosna si  Gajerio, bahagi ng California Team na nagwagi din ng silver medal sa CALABARZON regional championship.

"Malaking tulong din po talaga si ate Reanne. Siya po ang tumutulong sa amin, lalo na pag nara-rattle na kami, " pahayag ni Angel Joy Campos ng Stalwart.