Sumugod kahapon ang grupo ng ‘Yolanda’ survivors sa mga government office sa Metro Manila upang kondenahin ang pamahalaan sa kabiguan nito na patigilin ang hindi organisado at kurapsyon sa pagtatayo ng substandard na pabahay sa mga sinalanta ng naturang kalamidad.

Nasa 100 kasapi ng Community of Yolanda Survivors and Partners (CYSP) mula sa iba’t ibang probinsiya ang nakabahagi sa nasabing kilos-protesta.

“We welcomed President Duterte’s early pronouncements that he will not tolerate corruption and inefficiency in ‘Yolanda’ reconstruction and those who will not toe the line will be nailed to the cross. While the Duterte Administration merely inherited e dismal reconstruction, it is disappointing that this continued under his administration. This is the reason substandard houses continued to be built along Yolanda corridor”, ayon kay Lita Bagunas, leader ng Uswag Este, at organisasyon ng survivors sa Eastern Samar.

Binatikos din ng CYSP ang mga pagdinig sa Kongreso, maging sa Senado dahil walang lumitaw na opisyal na mga ulat at rekomendasyon na basehan sa seryosong reporma sa pagpapatayo ng pabahay.

National

‘Ikaw unang nang-iwan!’ PBBM, ‘gina-gaslight’ si VP Sara – Harry Roque

“One of the major complaints of survivors involved the construction of substandard housing across Yolanda-affected areas. These anomalies were unearthed in the congressional investigations and COA reports also published reports on such anomalies. These reports should have compelled changes in housing reconstruction,” sabi naman ni Aaron Pedrosa, miyembro ng Bulig Visayas, isa ring survivors’ organization.

Sa kabila ng mga reklamo, ang mga survivor sa ilang lugar ay nagkusang magbaklas ng kanilang bahay matapos silang sabihan umano na ang kanilang NHA houses ay handa nang okupahan tulad ng kaso sa Pampango sa Tacloban City.

“’Di naman naniniwala ang mga survivors na safe ang pabahay. Gayunman, kahit wala pang tubig, kuryente, walang eskwelahan kaya dagdag gastos sa pamasahe sa mga bata, at mahal at mahirap ang biyahe dahil malayo, napipilitan ang marami na lumipat. At dahil sa dagdag na gastos, ang madalas na isinasakripisyo ng mga survivors ay pagkain nila.,” pahayag naman ni Vincent Acosta ng G-Watch.

Ilan naman ang hindi lumipat sa kabila ng “notice to vacate” dahil sa hindi pa natutugunan ang mga karaingan ng survivors.

-Bella Gamotea