KUMPIRMADONG ‘engaged’ na sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo base sa pinost na litrato ng aktor na pabirong sakal-sakal siya ng aktres sa kanyang Instagram account nitong Huwebes, 7pm.

ASHMAT

Kaagad napansin ang singsing na suot ni Sarah na nasa left ring finger kung saan doon isinusuot ng fiancé ang engagement ring.

“I love you my love, now and forever,” ang caption ni Matteo sa litrato.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Bumaha ng pagbati mula sa mga kaibigan sa showbiz at non-showbiz ang dalawa na umabot sa 49.8K and still counting at 592K naman sa mga nag-like.

Pero makahulugan naman ang pinost ng nakababatang kapatid ng aktor na si Paolo, “congrats, it was a secret, nobody found out, ha, ha, ha.”

Ito kaya ‘yung in passing na nabanggit sa amin nu’ng nakaraang buwan ng taong malapit kay Matteo na napag-uusapan na nang dalawa ang kasal sa 2020?

Base sa pagkakatanda namin habang may bina-browse kaming litrato nila sa ibang bansa, “malapit na ‘yang dalawa (Mat at Sarah), abangan mo maga-announce na ‘yan.”

At ito na nga, idinaan ng aktor sa social media ang pagpo-post ng litrato nila ng kanyang fiancée.

Pero how true, last year pa nag-propose si Matteo kay Sarah? At ito rin ang dahilan kung bakit malaya nang sumasama ang singer/actress sa boyfriend niya sa ibang bansa ng walang kasama. Dahil kampante na sina Daddy Delfin at Mommy Divine ng dalaga?

Anyway, kailan naman kaya ia-anunsiyo ng Viva management na si Sarah ang leading lady ni Matteo sa pelikulang Pedro Penduko?

-REGGEE BONOAN