Kung gaano kalusog ang hitsura ni Aga Muhlach ay siyang kabaligtaran ng anyo ni Billy Crawford ngayon. Guest ni Boy Abunda sa Tonight With Boy Abunda ang magaling na singer/host na one of the judges sa Your Moment at isa kami sa nabigla sa sobrang kapayatan ni Crawford.

Ang tanong ng marami ay ano ang nangyari, may sakit ba siya? Stressed out?

“I am not sick and I’m not a drug addict, I felt na lumolobo ang katawan ko and it don’t look good on TV, naalala ko what talent manager friend said na we owe it to our fans ang to look good all the lalo na kung isa kang celebrity, nagpasiya akong mag-diet, sinubukan ko ang Keto diet and it worked for me, I now weigh 156 pounds which is ideal for me,” paliwanag ni Billy.

Itinigil na rin niya ang paninigarilyo at pag-inom ng alak. Nakaka-consume daw siya ng one bottle a night.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sa malaking pagbabago ni Billy health-wise ay handa na siya sa next level ng kanyang buhay. Gusto niyang maging ama at sabik na bumuo ng pamilya. Maganda din ang itinatakbo ng kanyang showbiz career sa pagsilang ng Your Moment which airs simula Nov. 9 and 10 at 7:30 pm.

-REMY UMEREZ