WALANG duda, dapat tayaan ang Union Bell sa mga susunod na karera. Pinatunayan ng Union Bell ang pangingibabaw sa grupo ng mga batang kabayo nang tampukan ang 2nd leg ng 2019 Philippine Racing Commission (Philracom) Juvenile Fillies and Colts Stakes Race nitong Linggo sa Metro Manila Turf Club sa Malvar, Batangas.

IBINIDA ni Volleyball star Bea de Leon (ikaanim mula sa kaliwa), ang tropeo na napagwagihan ng Union Bell, pagmamay-ari ng kanilang pamilya sa ginanap na Philracom Juvenile Fillies and Colts Stakes Race 2nd-leg. Nakiisa sa pagdiriwang sina Philracom Commissioner Bienvenido Niles Jr., Metro Turf racing manager Rudy Prado at deputy Arthur Escala, gayundin ang mga kinatawan ng breeder at trainer ng Union Bell.

IBINIDA ni Volleyball star Bea de Leon (ikaanim mula sa kaliwa), ang tropeo na napagwagihan ng Union Bell, pagmamay-ari ng kanilang pamilya sa ginanap na Philracom Juvenile Fillies and Colts Stakes Race 2nd-leg. Nakiisa sa pagdiriwang sina Philracom Commissioner Bienvenido Niles Jr., Metro Turf racing manager Rudy Prado at deputy Arthur Escala, gayundin ang mga kinatawan ng breeder at trainer ng Union Bell.

Sakay ang multi-titled jockey na si JB Hernandez, walang abog ang ratsada ng star horse ng Bell Racing Stable tungo sa dominanteng panalo sa 1,400-meter race sa tyempong 1:23.8 at quarter-time na 13, 22, 22, 26.

Hataw ang Union Bell (mula sa lahi ng Union Rags, USA at dam Tocqueville, ARG) sa unang bulusok at nakasabay ang Exponential at Four Strong Wind sa kaagahan ng puwestuhan, ngunit sa huli, remate na ang Union Bell sa finish line.

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

“‘Yung alis ko, hindi naman masyado mabilis, dapat nga isusunod ko lang, naka-segundo puwesto. Kaso pagdating sa tres kuatros noong nahawakan ko na, medyo inaaway na ako, kaya binigay ko na,” pahayag ni Hernandez.

“Hinintay ko na lang ang rekta, kasi alam ko naman na lamang ang kabayo ko,” aniya.

Nakopo ng Union Bell, pagma-may-ari ni Elmer de Leon ang champion prize na P600,000. Kasama ang buong pamilya, kabilang si volleyball star Bea de Leon, tinanggap ng De Leon family ang premyo at tropeo mula kina

Philracom Commissioner Bienvenido Niles Jr. and Metro Turf racing manager Rudy Prado at deputy Arthur Escala.

Segunda ang Four Strong Wind para sa premyong P225,000, kasunod ang Exponential na may P125,000 sa stakes race tampok angh mga two-year-old horses at may kabuuang premyo na P1,040,000 mula sa Philracom.

Impresibo ang panalo ng Union Bell, pagpapatunay na hindi tsamba ang nagawa nito sa 1st leg ng Juvenile Stakes Race nitong October.

“Pipilitin namin na kunin,” pahayag ni Hernandez, patungkol sa posibleng sweep sa torneo sa Disyembre 1.

Ang iba pang nagwagi sa karera ay angm ga sumusunod: Sheer (Race 1), Miss Campbell (Race 2), Gee’s Song (Race 3), Chancetheracer (Race 4), Old Timer (Race 6), Jawo (Race 7), Boss Emong (Race 8), Sari Baby (Race 9), Matriarchal (Race 10), Summer Romance (Race 11) at Havana Ohhnana (Race 12).

Nakalinya pang bitiwan ang malalaking stakes races para sa Philracom kabilang ang Ambassador Eduardo M. Cojuangco Jr. Cup sa Nov. 17 at ang 2nd leg ng 3YO Imported/Local Challenge sa Nov. 24.

Sa Disyembre, nakalinya ang Philracom’s 3rd leg of the Juvenile Fillies and Colts Stakes Races, Grand Sprint Championship sa 15th, Chairman’s Cup at 3rd leg ng 3YO Imported/Local Challenge Series sa 29th at Juvenile Championship sa 31st.