ANG pelikulang Two Love You ay kuwentong nasa isip ni Ogie Diaz na matagal na niyang itinatago na gusto niyang gawing pelikula na hinanapan niya ng tamang artistang magsisiganap at direktor.

LASSY

Ang komedyanteng si Lassy ang bidang bakla na may anak-anakang babae at si Yen Santos iyon pero mahal niya at si Kid Yambao ang lalaking lover boy ng bading.

Hindi na bago ang kuwentong ito dahil madalas nating naririnig ito sa mga baklang parlorista na ang lover boy nila ay nagkagusto sa mahal nilang babae.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Anyway, sabi ni Lassy nu’ng ialok sa kanya ni Ogie ang pelikula ay kinabahan siya dahil hindi siya sanay na bida at nasanay lang siyang supporting role sa mga pelikula ni Vice Ganda kasama ang kapwa komedyanteng si MC Calaquian.

Sa madaling salita ay launching movie ni Lassy ang Two Love You handog ng Lonewolf Productions at distributed naman ng Viva Films na mapapanood na sa Nobyembre 13.

Suportado ni Vice ang pelikula ni Lassy at natutuwa nga raw na may pelikula silang gagawin ni MC produced ng dati niyang manager na si Ogie.

Sa tanong kung may cameo role si Vice sa Two Love You, “ay wala po. Sobrang busy si Vice.”

Ano naman ang pakiramdam ngayon na bida na si Lassy?

“Nakakaba kasi hindi ako sanay as in. Nasanay ako na suporta lang ako ng ilang taon na gagampanan ko lang ang role ko. Pero ngayon iba, hindi ako makatulog, nag-iisip ako kung kumusta kaya ‘yung pelikula.

“Hindi ko naisip na magiging bida ako, never! Ang lagi kong nasa isip lang, magkaroon ng work, pangalawa nandiyan ako lagi sa support, happy na ako sa ganu’n lang.

“ K a y a n u ’ n g dumating itong offer, nandoon na ‘yung kaba ko, gusto kong umiyak na. Dumaan kami sa script reading, sa pagto-tone down ng boses habang nasa set kami, para kaming nasa acting workshop,” kuwento ng sidekick ni Vice.

At dahil mahal niya si Yeng, ay tinanong kung may kissing scene sila, “ha, ha, ha abangan na lang,”humalakhak na sagot nito.

Pero sa tunay na buhay, “hindi nandidiri ako. May nagkagusto sa aking babae nu’ng college pero prinangka ko na tropa lang kami talaga. Hindi ko kaya,” saad ng komedyante.

Samantala, hinihingi ni Lass yang suporta ng mga ka-tropa niya sa Two Love You bilang launching movie niya at may kapupulutang aral ito para sa lahat ng taong nagmamahal ng bading at tomboy.

-Reggee Bonoan