SINADYA namin sa bahay nila sa White Plains si Arjo Atayde para hingan ng updates sa iWant digital series na Bagman 2 na mapapanood na sa Nobyembre handog ng Rein Entertainment at Dreamscape Digital Entertainment na idinirek ni Shugo Praico.

ARJO

Sa Bagman 2 ay isa ng Gobernador si Arjo bilang si Benjo na siya ang pumalit kay Raymond Bagatsing na isang kurakot at masamang pinuno sa bayan nila. Inalam namin kung ano ang bagong ipapakita sa pagbubukas ng season 2 dahil sa unang season ay masyadong bayolente na maraming artistang kasama.

Kuwento ng aktor, “Bagman 2 first of all mas maraming artista, mas maraming characters, mas marami silang revelation tungkol sa mga kababalaghan dito sa Pilipinas na very interesting. Kahit ako nu’ng binabasa ko ang script, ‘wow nangyayari pala ‘to.’ Panoorin n’yo po, it’s today (kasalukuyang nangyayari). Eight episodes po kami.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Dati ay 12 episodes ang Bagman 1, bakit kumonti ang ikalawang season, “hindi ko po alam, siguro po ‘yung story. I’m not sure kung paano ang airing, 3-3-2 or 4-4 po yata ang drop, wala pa po akong informations tungkol do’n. It’s a one-week gap per drop,” sabi ng aktor.

Ang Bagman 2 ang dahilan kung bakit hindi natuloy si Arjo sa Miracle in Cell #7 na pelikula ni Aga Muhlach na entry ng Viva Films sa Metro Manila Film Festival 2019.

Katwiran ng aktor, “’yung schedule po kasi hindi nagtugma. The schedule (tapings) of Bagman is the same schedule (shooting) of Miracle, so hindi po (kaya). Obviously, Bagman ang (priority) ko because I owe it to ABS-CBN and Dreamscape.”

Na-miss niyang maka-trabaho si Aga, “opo, but priorities (muna).”

Samantala, diretsong inamin ni Arjo na namimili na siya ng role at gusto muna niyang magpahinga sa kontrabida kaya tinanggap niya ang karakter niyang Elai sa The General’s Daughter.

Hindi pa rin kasi nalilimutan ang karakter ni Arjo bilang si Joaquin Tuazon sa FPJ’s Ang Probinsyano at si Elai ang huli.

Balitang may inaalok na pelikula kay Arjo at kontrabida role pero hindi pa ito inoohan ng aktor dahil gusto muna niyang mabasa ang script.

“Siguro po ‘yung pagiging kontrabida right now, pipili na ako, sabi ko nga po sa management (ABS-CBN), gusto ko ng pumili ng kontrabida roles kasi naapektuhan din naman ako, psychologically.

“Right now, gusto ko ako po may say at saka gusto ko po iba, siguro similar pero it has to be big difference of what I’m doing in every projects,”dahilan ng binata.

Paano naapektuhan psychologically si Arjo, “tinotopak po ako, road rage, method kasi ako. Pagdating sa bahay, dis attatched, wala naman talaga pero there’s some personalities na nabubuhat ko 1 or 2. ‘Yung pagiging snappy na hindi ko napapansin until Ria (Atayde) tells me na (ganu’n nga). ‘Uy, parang uminit ulo mo!’

“Laid back kasi ako, sobrang chill ko kasi kaya pag pumitik ako minsan, hindi naman pitik nag alit, pitik na naiinis. May road rage rin during the Probinsyano. ‘Yung Bagman naman is different, family naman siya, kaya hindi naman ganu’n ka-dark, e, ‘yung Joaquin ko, nababaliw ako.”

At para humupa ang pagka-baliw ni Arjo ay, “nanonood po akong comedy, wala akong pinanonood na serious movie. Kasi po pag pinapanood ko, ina-analyze ko, ang bigat na nga ng ginagawa ko, papanoorin ko pa ba ‘yun?

“Nagiging technical na kasi ako, tumitingin ako sa continuity na hindi naman kailangan na dapat. Imbes na mag-enjoy ako, tinitingnan ko lahat pati acting, cinematography kahit hindi naman, the beauty, what’s their offering. Hindi naman po para makita ‘yung mali kundi kung ano ‘yung ino-offer nila.”

At kaya observant si Arjo behind the camera ay dahil magpo –produce siya ng pelikula at in the works na ito.

“I’m producing movie tita, soon!” sambit ng aktor. At sabi pa, “next year po ang big announcement (movie projects).”

At ang simula ng shooting ng pelikulang siya ang bida at ang komedyanang aktres na si Nova Villa ay, “we’ll be starting this November, it’s a birthday gift to myself. I want to get behind the camera talaga eventually. I think our generation slowly take over so we’re gonna produce now under my production, announcement soon,” saad ng aktor.

-REGGEE BONOAN