KASAMA na talaga si Andrea Torres sa pamilya ni Derek Ramsay dahil join na siya sa family event ng mga Ramsay, kasama nilang nagbabakasyon at pati nga sa paggu-golf ng pamilya ng boyfriend, kasama na rin siya.

Andrea at Derek's mom

May basher na nag-comment na naging sosyal na si Andrea mula nang makarelasyon si Derek, kaya dapat daw siyang magpasalamat kay Derek. Pati ang magkakasunod na travel abroad ni Andrea, kay Derek daw niya dapat ipagpasalamat.

As if naman, hindi afford ni Andrea na lumipad pa-Dubai, Shanghai at Macao kung wala si Derek. Maaaring ngayon lang sinisipag si Andrea na mag-travel dahil may kasama siyang BF, kesa nga naman mag-travel siya with only her family.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Pati pala ang picture nina Andrea at mom ni Derek, iniintriga dahil feeling close raw si Andrea sa mom ni Derek gayung kailan lang sila nagkarelasyon ni Derek. May humirit pa na lahat naman ng nagiging GF ni Derek, close sa family ng actor at nakakasama sa mga lakad nila.

Whatever! Basta maganda ang dating sa shippers nina Derek at Andrea ang picture ng aktres with Derek’s mom at nilagyan niya ng caption na “Grateful for you.” May nagbiro na magkasama ang magbiyenan to be at may hawig daw si Andrea sa mom ni Derek.

-Nitz Miralles