INAMIN ni Tintin Bersola-Babao na kaya siya nag-lie low sa kanyang career bilang TV host ay dahil gusto niyang tutukan ang dalawa nilang anak ni TV Patrol anchor, Julius Babao na sina Antonia at Neo.

Tintin

May mga on the side na trabaho pa rin si Tintin tulad ng pagsali niya bilang isa sa merchant sa mga bazaar sa Metro Manila at isa na rin siyang Youtuber.

Ang isa sa pagkaka-abalahan ni Tintin ang ay Viyzaar Vlogger Festival Christmas Bazaar na gaganapin sa Vertis Tent North sa Nobyembre 8, 9, at 10.

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

“Puro vloggers ang kasama rito, though puwede ring hindi vlogger, pero majority na kasama ay the top vloggers or content creator in the country like si Viy Cortez in partnership with Sheila Lim of Worldtrex.

“Matagal na akong basarista, more than 10 years, so ngayon combination na ako ng basarista at same time content creator kasi youtuber na rin ako.

“Unang-una kaya ako pumasok sa pagiging youtuber kasi it’s my way of chronicling all the events of my life, alam n’yo naman ‘yan na sentimental akong tao, so hindi na kao nagda-diary o nagsusulat kasi digital generation na tayo.

“At ‘yung mga anak ko, 14 and 9, digital generationa na sila. Gusto ko kapag wala na ako at wala na si Julius (sa mundo) mayroon silang babalik-balikan na videos lahat ng ganap sa sa buhay namin. So, it’s really of a mom chronically on their lives,” paliwanag ni Tintin kaya niya pinasok ang pagiging social media influencer.

At dahil hindi naman kumakain ng husto ng oras ay natutukan niya ang pag-aaral ng panganay niyang si Anya (palayaw ni Antonia) na home school.

“Home school ang panganay ko kaya it really requires to be a hands on mom. At kaya siya home school para maka-focus siya kasi ang daming nabu-bully ngayon sa school. Si Anya kasi ang personality niya iba, may pagka-artist siya at mabuti ang puso niya.

“At ngayong home school siya, ang tataas ng grades niya and we’ve never been closer as in super super close kasi teenager na kaya I’m also an advocate for home school,” pahayag ni Tintin.

As of now bukod sa pagiging youtuber ay may TV show sa Cignal TV si Tintin kasama si Chinky Tan.

-REGGEE BONOAN