NATUWA ang mga netizens, especially ang mga fans nina Carla Abellana at Rhian Ramos, nang i-announce ng GMA Network na may bagong teleserye na pagsasamahan ang dalawang mahuhusay na actress. Pareho kasi silang matagal-tagal na ring walang ginagawang project sa GMA pero naggi-guest naman sila sa ibang shows ng network.

Rhian & Carla - Love of My Life

Love of My Life ang family drama series na pagsasamahan nila.

“I’m glad na muli kaming magkakatrabaho ni Carla, huli pa kaming nagsama, five years ago, sa My Destiny, sabi ni Rhian. “We played sisters sa “My Destiny,” pero dito, hindi kami gaganap na magkapatid.”

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

“Bale isang reunion project ito sa amin ni Rhian,” sagot naman ni Carla. “Nakakatuwa na after five years muli kaming magkasama sa isang project. Sayang lamang na hindi na kami sisters, pero na-excite din kami dahil hindi man kami magkapatid, nakatira naman kami sa iisang bahay. Abangan ninyo kung bakit magkasama kami sa isang bahay.”

Na-excite rin sina Carla at Rhian nang malamang makakasama nila for the first time ang mahuyay na actress na si Ms. Coney Reyes.

“I’m happy naman nang malaman kong I will be working with a new team,” sabi naman ni Coney. “First time kong makakatrabaho sina Carla, Rhian, Mikael (Daez) at Tom (Rodriguez). First time ko ring magiging director si Don Michael Perez.”

Last project na ginawa ni Coney sa GMA Network ang Victor Magtanggol ni Alden Richards last November, 2018.

Wala pang exact date of airing ang “Love of My Life” na nagsimula nang mag-taping at kung saan ito ipapalit sa primetime block ng GMA.

-NORA V. CALDERON