KUNG mapagbibigyan, nais ni Philippine Sports Commission (PSC)  Chairman William "Butch" Ramirez  na magkaroon ng katuparan ang planong maging ‘flag-bearer’ ang limang pambato ng Team Philippines sa 30th Southeast Asian Games.

yulo2

Ayon kay Ramirez, mabibigyan ng inspirasyon ang mga atletang Pinoy kung makikita nilang nangunguna sa kanilang hanay sina World champion Carlos Yulo ng gymnastics, Nesthy Petecio ng boxing, Margielyn Didal, Hidilyn Diaz at EJ Obiena.

Sina Yulo at Obiena ay kapwa kwalipikadona rin sa 2020 Tokyo Olympics.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Kakaiba ang plano ni Ramirez, Chief of Mission ng Team Philippines sa SEA Games, mula sa nakagawian nang tradisyon na iisang atleta lamang ang may bitbit ng bandila ng delegasyon sa parada ng mga bansa sa biennial meet.

Ngunit, ang desisyon ay nasa kamay ni Philippine Olympic Committee (POC) president Bambol Tolentino.

"Alam n'yo sa akin, mas maraming atleta mas maganda. Gawin natin silang flag bearers lahat, mas okay, but of course, POC has the final say  on this," pahayag ni Ramirez.

Ang nasabing ideya ay dahil sa  tagumpay na natamo ng mga atletang nabanggit para sa kani-kanilang  nilahokang kompetisyon, at ang posibleng pagsikwat nila ng tiket para sa nalalapit din na 2020 Tokyo Olympics.

Bagama't sa limang nabanggit na atleta ay sina Yulo at Obiena pa lamang ang may siguradong slot na sa Olimpiyada, habang ang iba ay nasa kagitnaan pa ng kanilang Olympic qualifiers.

"Having these five athletes as flag bearers is unprecedented. So it will be a milestone for the Philippines," ayon pa kay Ramirez. Annie Abad