CHALLENGE kina Aga Muhlach at Alice Dixson na mag-shoot sa Greenland na wala kang makikita sa paligid mo kundi puro snow at kahit tanghaling tapat ay yelo pa rin ang nakikita.
At dahil sub-ze-ro (below freezing) sa Greenland ay natanong si Aga kung may mga eksenang hindi kaagad nagawa dahil sa sobrang lamig at hindi makapagsalita at nakailang takes sila ni Alice, at kung nagawa nilang maghubad o magtanggal ng suot nilang panlamig.
“May isa lang akong sasabihin, dito sa Greenland sa totoo lang, nu’ng ginawa ko ang pelikula ang ganda-ganda ng katawan ko, nakakalungkot lang kasi kung kailan gumanda ang katawan ko, naka-jacket naman ako parati sa pelikula (sabay tawa).
“Actually hindi namin kaya ang walang jacket, pero pag nasa loob ng bahay, medyo naka-sweater ka lang. Pero when you’re out and filming, you really have to cover up,”kuwento ng aktor.
Dagdag naman ni direk Roni Velasco, “hindi ka puwedeng maulanan doon kasi papasok ang lamig. One time umulan ng snow, sina Aga at Alice tumakbo sa loob ng bahay kasi hindi mo kakayanin talaga ang lamig.”
Hirit ni Aga, “yeah, oo kailangan kong tumakbo sa loob at ayaw ko ng lumabas, ayaw ko ng mag-take talaga pero pag-take normal ka ganyan, pero pag cut! (minuwestrang naninigas na sa ginaw). Kahit mga crew, we have to stop for a while kasi hindi na nila kaya.”
Anyway, kadalasan kapag sa ibang bansa nag-location shooting kadalasan ay nagkakaroon din doon ng premiere night at dahil maraming Pinoy sa Greenland na umabot sa 400 people ay posible bang ipalabas ang NUUK doon.
Salo ni direk Roni, “I think ‘yung Danish ambassador is trying to negotiate na may showing sa Denmark at inaayos pa nila. ‘Yung mga Filipinos doon, they are part of the medical profession, sa hotels at sa restaurants kaya kahit saan kami pumunta. Actually ang laking tulong nila dahil nu’ng wala kaming permit sa hospital dahil Pilipino ang nurses, we have access to places normally we’re not allowed kasi sila ‘yung may hawak ng susi, eh. Even doon sa bar, sila ‘yung mga waitress, binibigyan kami ng extra food, aside from (inorder), grabe sa Greenland may kare-kare, laging kare-kare. Pero si Aga hindi kumakain, ang guwapo ni Aga sa pelikulang ito.”
Samantala, mahal na ang bayad para manood ng sine kaya tinanong ang aktor kung bakit kailangang na panoorin ang NUUK na produced ng Viva Films.
Ang paliwanag ng aktor sa presscon na ginanap sa Discovery Suites nitong Lunes, “lagi kasing sinasabi na, ‘oh Aga you promote the film, promote the film.’ Meron din akong feeling na, I told Alice nga na ‘you know sometimes in many years of my existence in the industry, sometimes ang hirap ding magsabi ng ‘sana po panoorin n’yo ang pelikula, sana po ganyan.’ Ang sa akin, ito ginawa namin ang pelikula malalaman naman kung kailan ang playdate sa tulong ninyong lahat (entertainment press/bloggers) so nasa sa kanila na ‘yun (publiko) sana kung may oras sila, sana mapanood nila kung hindi naman, wala naman kaming magagawa ang sa amin (lang), it’s our art, we enjoyed doing it, we worked hard for it so this is all we have to offer, so we just hope people will like it and people would have a way to watch it, that’s really up to them.
Sa tagal na ng aktor sa showbiz industry at sa edad niyang 50 ay nagpapasalamat siya dahil marami pa ring offers sa kanya na gumawa ng pelikula.
“I have these big films coming out left and right you know, parang I have Seven Sundays (2017), First Love (2018) with Bea (Alonzo), then I have NUUK this one with Alice, then I have Miracle in Cell no 7 for the Metro Manila Film Festival, so what more can I ask for?
“Parang in span of 2 years ito ang nangyayari sa akin, so I can’t complain and I’m grateful, minsan nate-take for granted ng ibang tao ‘yun, pero sa akin most of the time when I’m home, I talked to my wife about these things, ‘wow maraming-maraming salamat sa tiwala. So nothing personal for me, it’s all work, I’ve always given my best, (if) people watch it, salamat, if people don’t maraming salamat din, I had fun doing these movies,” paliwanag ni Aga.
Para kay Aga ano ang pakiramdam ng isang 50 years old.
“In my 50, I’m in my happiest now, I’m in my most comfortable, I’m content. There’s so much content in my life and it starts with my family, my wife, my kids and the entertainment industry which is also there and my passion is still there tapos parang napagdaanan ko na lahat (natawa).
“Mayroon akong feeling na I can sit back and just watch and observe people all through it and help other actors. You know kapag nakita mong may problema, nagkaka-isyu sa buhay, minsan nilalapitan ko sila tap on their shoulders na kailangan ng taong may pinagdadaanan na ‘parang okay lang ‘yan, kaya mo ‘yan, dadaanan mo lang lahat ‘yan, don’t take it seriously, steady lang.’
“At age 50, katawan mo lang ang nag-iiba, punyeta! Lahat ng workout gagawin mo tapos pagkain mo, isang kain lang parang 20 pounds na kinain mo, anyway, never surrender, laban lang,” nakangiting pahayag ng aktor.
At para mas lalong ma-appreciate ang NUUK na capital ng Greenland ay mas magandang panoorin ito sa Nobyembre 6 mula sa direksyon ni Veronica ‘Roni’ Velasco.
-Reggee Bonoan