ANG saya ng birthday ni Janine Gutierrez kahapon, October 3, dahil sa Paris siya nag-celebrate ng birthday at kasama pa ang boyfriend na si Rayver Cruz.

Rayver at Janine

Kuwento ni Rodjun Cruz nang makausap namin sa presscon ng One of The Baes, humingi ng one week vacation sa taping ng Hanggang sa Dulo ng Buhay Ko si Rayver para masamahan si Janine sa Paris.

Dumalo kasi si Janine sa Paris Fashion Week (PFW) and in fairness kay Rayver, hindi siya umeksena sa photos ni Janine na may kinalaman sa PFW. Nagreklamo nga ang fans ng dalawa dahil hindi sila nagpo-post ng photos na magkasama. Kaya nang mag-post si Rayver sa IG story na nag-i-scooter silang dalawa ni Janine, tuwang-tuwa ang JanVer shippers.

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

Pero sa birthday ni Janine, nag-post si Rayver ng picture nila na “HBD” lang ang caption at nakulangan ang kanilang fans. Mabuti pa raw si Rodjun Cruz, brother ni Rayver, mahaba ang birthday message kay Janine.

Ang hinihintay ng JanVer shippers ay kung kailan pagsasamahin ng GMA-7 sa teleserye sina Janine at Rayver. Wish nila, after ng Hanggang sa Dulo ng Buhay Ko nina Rayver, Kris Bernal at Megan Young, sina Rayver at Janine na ang pagtambalin.

-Nitz Miralles