Sa pagbubukas ng ini-endorsong Online Travel Express ni Matt Evans na matatagpuan sa Robinson’s Metro East na pagmamay-ari ni Richard Lopez Pabilona ay naikuwento ng balik-Kapamilya aktor na na-swindle ang asawa niya sa halagang P6M.

MATT EVANS1

Nagbebenta ng branded bags at watches ang asawa ni Matt na si Katrina Fariñas at dahil matagal na diumano niyang kaibigan ang asawa ng NLEX player na si J.R. Quinahan ay ipinagkatiwala diumano nito ang mga nabanggit na produkto.

Pero nabaligtad ang nangyari dahil ang kumalat na balita ay ang asawa ng aktor ang nanloko sa mga supplier na pinagkukunan niya ng produkto.

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga

Kaya klinaro ni Matt ang isyu nang maka-tsikahan namin sa nasabing okasyon, “’yung asawa nu’ng basketball player na si JR Quinahan. Na-swindle talaga si misis doon, ‘yung time na ‘yun malaki talaga ‘yung nawala, umabot sa 6 million, eh. ‘Yung time na ‘yun kailangan naming depensahan ang sarili namin.

“Nag-file kami ng kaso sa ngayon at ongoing na po sa korte at inaasikaso naman po. Nalinis naman po ang pangalan na ngayon ni misis kasi kailangan. Siyempre hindi naman po kasi sa amin lahat ‘yun. May mga taong nahiraman ka at kailangang ibalik din ang mga gamit, nagpapatong.

“Nagre-resale po kasi ang misis ko, ang kumuha (produkto) ay ‘yung asawa nga ni JR. Tapos ngayon parang kami pa ‘yung (may kasalanan) kasi nagde-delaying tactics pa,” kuwento ni Matt.

Ang binabanggit na asawa ng manlalaro ay kasalukuyang nasa Cebu at sinampahan ng kasong cyber bullying ang misis ni Matt.

“Kinasuhan kasi parang ganito, nagvi-video (interview), delaying tactics niya para hindi ma-expedite ‘yung kaso niya. Kung baga nag-counter siya ng cyber bullying kaya si misis pumupunta pa ng Cebu para sa hearing tapos hindi naman sumisipot (asawa ni JR).

“Ganu’n ka- hassle ang ginagawa sa misis ko, e, ‘yung asawa niya si JR Quinahan, hindi rin namin makausap. Gusto sana naming humingi ng tulong sa management ng NLEX, eh.

“Matagal nang kakilala ni misis (asawa) kaya hindi rin namin alam kung bakit kami tinakbuhan,” pahayag pa ni Matt.

Aminado ang aktor na hindi pa sila totally naka-recover sa nangyari, “hanggang ngayon nagre-recover pa rin, malaki po talaga, eh. Awa ng Diyos may mga tumutulong po talaga sa aming mga tao, so nakakaluwag-luwag. Pero siyempre kung ano ‘yung hiniram mo, kailangan mo talagang ibalik at may mga interest pang binabayaran. Ako siyempre (nagbabayad) kasi asawa.”

Hindi rin itinanggi ng aktor na nagkaroon sila ng away ng wifey niya sa simula.

“Siyempre merong ganu’n scenario talaga kung baga malalampasan at malalampasan mo rin talaga. Nu’ng umpisa may sisihan talaga kasi bakit ka nagbigay, bakit ganito, bakit ka nagtiwala kaagad. Sa akin lang, nandiyan na ‘yan pero siyempre kailangan mo pa ring kumilos.”

At ang mensahe ni Matt sa asawa ni JR, “Denisse, ano na, ‘wag mo na kaming pahirapan, mag-settle na lang kung ano ‘yung kaya mo. Kasi doon din naman ang mangyayari, pahahabain mo pa. sa settlement din naman ito, kung ano ‘yung kaya mo, salubong na lang, ganun din naman, pagtrabuhan na lang.”

Bukas ang pahinang ito para sa panig ng mag-asawang JR at Denisse Quinahan.

-Reggee Bonoan