NAPAPANOOD na sa online ang trailer ng pelikulang Culion, na isa sa mga posibleng entry sa darating na Metro Manila Film Festival. Ang Culion ay pinangungunahan ng mga batikang artista gaya nina Iza Calsado, Joem Bacson, Jasmine Curtis at Meryl Soriano.
Sa ipinapanood na teaser/trailer, ikinatuwa ng mga nakapanood ang kanilang nakita sa huling bahagi ng video kung saa’y makikita si John Lloyd na naka-sombrero at dahan-dahang iniluwa ang kanyang mukha.
Surprise nga ang nasabing teaser dahil bago ito ipinapanood, wala namang nababanggit ang producer ng film na si Shandii Bacolod na ang Kapamilya actor ang bibida sa kanyang bagong pelikula. Sakaling maipalabas ang Culion, magsisilbi itong comeback film ng aktor pagkatapos nitong magdeklara ng ‘indefinite leave’ sa kanyang management arm, ang ABS-CBN/Star Magic, dalawang taon na ang nakakaraan.
At ngayong kumpirmado na, bagama’t wala pang detalye kung anuman ang partisipasyon o role ni John Lloyd sa Culion, inilantad na ni Bacolod na kasama nga si John Lloyd sa kanyang film. Sey pa ng Culion producer, hindi raw naging mahirap sa kanya na kumbinsihin si Lloydie (palayaw ng aktor) dahil nakatrabaho na raw niya ito bilang kanyang actor-prodyuser sa kanyang indie film dati.
“Meron na kaming work relationship as a producer. He’s also friends with so many of the cast and our assistant director. Hindi kami nahirapan to talk to him because of the people around,” sabi pa ni Bacolod.
Although the Kapamilya actor is now confirmed as part of the film, Shandii did not want to divulge too many details about the controversial actor’s participation in the film.
“I can only say two things about his role, he plays a very important role in the film and number two, his role is connected to Meryll Soriano. For now yun pa lang ang puwede,” matipid niyang sagot.
-Ador V. Saluta