TALAGA yatang pag-month of December ay may mga nagpapakasal na mag-syota dahil katuwiran ng karamihan ay malamig daw kasi ang panahon tuwing sasapit ang buwan ng Kapaskuhan.

Naurirat nang ilang showbiz press sina Joyce Ching at Rodjun Cruz na may kinalaman sa wedding isyu, sa grand mediacon ng newest serye nilang One Of The Baes.

Unang umamin si Joyce na ikakasal na nga raw siya sa December 8 of this year sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Kevin Alimon.

Si Rodjun naman ay nagsabing this coming December 21 naman magaganap ang wedding nila nang kanyang labs na si Dianne Medina.

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

Kung sina Rodjun at Dianne ay tipong Church Wedding, sina Joyce Ching at Kevin naman ay tipong garden wedding in a Christian Ceremony.

Sabi ni Rodjun ang dalawang kapatid niyang sina Rayver at Omar ang tatayong Best Men at sina Alden Richards, Kristoffer Martin at Marco Alcaraz naman ang tatayong groomsmen nila ni Dianne.

Samantalang si Joyce ang kinuha nilang principal sponsors ng kanyang non-showbiz boyfriend ay sina Atty. Annette Gozon-Valdez, Joey Abacan, Vic del Rosario ng GMA Artist Center, at si Direk Gina Alajar.

Nasabi rin ni Joyce kay Rodjun sa mediacon ng One of the Baes na mabuti na lang, kasama sila sa bagong teleseryeng ito nina Ken Chan at Rita Daniela, at least dagdag-ipon ito sa pinaghahandaan nilang kasal.

Sabi pa ni Joyce, kahit magiging Mrs. Alimon na siya, tuloy pa rin siya sa pag-aartista. Napag-usapan na raw nila ito ni Kevin.

“Kaka-sign ko lang po ng contract with the network. So, tuluy-tuloy lang po ang work,” lahad pa ng Kapuso actress.

Sabi naman ni Rodjun tungkol sa wedding nila ni Dianne, “Sobrang excited ako sa araw na yun.

“Siyempre, ang tagal na rin namin ni Dianne at nandun po ang mga taong importante sa amin.”

Sayang lang daw dahil wala na ang kanyang Mommy Dearest na gustung-gustong makasal na sila ni Dianne.

“Looking forward talaga si Mama dun sa wedding namin ni Dianne.

“Pero alam ko na proud siya,” Rodjun even added.

So shall we say in advance ang mga katagang…. “Mabuhay ang mga ikakasal! And Best Wishes to both Rodjun Cruz and Joyce Ching coz you’re one of the baes, este, best in showbiz world!”

Yun na!

-Mercy Lejarde