NAGKASABAY na nanood ng musical play na Himala Isang Musikal sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo, hindi sila magkasama, nagkasabay lang manood, pero magkatabi ng upuan sa Powermac Center Spotlight sa Circuit Makati. Kahit nakatalikod ang mga litratong nakita namin sa social media, tuwang-tuwa ang fans ng dalawa na makita silang magkasama kahit ilang oras lang.

John Lloyd at Bea

Nagtaka lang kami kung bakit walang nakapag-request na makunan ng litrato na magkasama sina John Lloyd at Bea, laging si Bea lang with an audience and John Lloyd with an audience.

Anyway, nakakatuwang basahin ang comments na sana sina Bea at John Lloyd na lang at tiyak ang fans na magiging masaya kung sakali ang relasyon nila dahil matagal na friendship ang kanilang pundasyon. Bagay na wala sina Bea at Gerald Anderson at wala sina John Lloyd at Ellen Adarna.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Ikinatuwa rin ng fans ni John Lloyd na maaliwalas ang mukha nito sa bagong sighting sa kanya at inahit ang goatee. Manipis na bigote at goatee ang itinira nito, labas na uli ang kagwapuhan ng aktor. As for Bea, kahit lipstick lang at slight ang make-up, makikita pa rin ang ganda nito.

-NITZ MIRALLES