PINAGBIDAHAN nina Jeth Romy Morado at Renze Kyle Sevillano ang top two board para sandigan ang Far Eastern University sa , 2.5-1.5, panalo kontra Adamson sa UAAP Season 85 chess tournament.
Dominado ni Morado, National Juniors Champion, ang karibal na si Remark Bartolome sa ika-44 sulong ng Caro-kann Defense, habang pinatob ni Sevillano si Allan Cantonjos’ Center-Counter sa 51 moves.
Nakamit naman ni John Merill Jacutina ang board 3 win gamit ang Caro-kann kontra Khristian Clyde Arellanosa ika-30 sulonng.
Tanging si Godfrey Villamor ang nakapanalo sa Falcons nang pataubin sa ika-77 sulong ng Four Knights Game si ASEAN Youth campaigner Israelito Rillaroza sa Board 4.
Bunsod ng panalo, umusasd ang koponan sa 8.5 puntos, mat dalawang puntos ang agwat sa Falcons, who have 6.5 points.
Hiniya ng National University ang La Salle, 3-1.
“We’re just blessed with talented players,” pahayag ni FEU coach Jayson Gonzales.
Nagtabla naman ang ar Eastern University at University of Santo Tomas, 2-2, sa women’s division