SA mediacon ng pelikulang Jowables ay inamin ng mag-jowang Kim Molina at Jerald Napoles na nahirapan silang gawin ang love scene.

jowable

Sabi nga ng aktor, “para kaming umarkila ng mga tao para manood sa amin habang magkapatong sa kama. Tapos habang hinahalik-halikan ko, may magsasabing, ‘o ibang anggulo (naman).’

Oo nga habang kinukunan kasi ang eksena ay siyempre may mga kasama sila sa paligid, ang cameraman, taga-ilaw, assistant director at personal assistant. Paano ka nga naman makakapag-concentrate?

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

“Mas awkward siya for me kasi nu’ng sa amin ni Kit (Thompson sa Momol Nights), sinabi lang ni direk Benedict (Mique) sa amin ‘yung ‘o ganito gawin mo, dito mo hawakan, kasi po one take lang din lahat ‘yun. Tapos ‘yung iba, kayo na bahala. Kung baga nag-usap po kami ni Kit na gawin na natin (lahat) para isang take lang. Tapos na po, kaso work lang talaga ‘yung nasa utak namin.

“Pero with Je (Jerald), medyo kinabahan ako, sobrang kinabahan ako na kailangang mag-prepare. Sabi kop o kay direk (Darryl Yap), ‘natatawa na ako agad, e, ‘yung mga pinagawa pa sa amin na nakakatawa, panoorin nyo po. Kasi hindi naman siya typical na bedscene na ginawa like Kit, it’s different. At kaya mas awkward siguro kasi very detailed,” paliwanag ni Kim sa pagkakaiba ng love scene niya sa Momol Nights at sa Jowables.

Inamin din ni Kim sa mediacon na ang daddy niyang dentist na nasa Saudi kasama ang mommy niya ay napanood ang trailer ng Jowables at proud naman sa anak dahil bida na sa mainstream kumpara sa sa ibang nagawa na pawang supporting role.

“Sabi po ng daddy ko, ‘anak I’m so proud of you. Hindi lang mawala sa isip ko na ngayong mga panahong ito sa buong Pilipinas hubad ka sa cinema. ‘Yung poster ko raw po,” natatawang kuwento ng komedyana.

Pant i e s l ang k a s i ang nakatakip sa private parts ni Kim na ang dating naman sa lahat ay nakakatawa lalo na ang facial expression ng dalaga.

Dagdag pa, “at the same time po nakikita rin niya ang representation ng mga panty na kahit I’m sort of naked doon sa poster with the panties and everything, ‘yun din po ang isip niya. It’s a representation of everyone.

“My parents po kasi they’re very open-minded kahit they’re very strict po and very religious at nag-message po pareho sa akin ang parents ko na hindi nila ma-share ‘yung trailer..

“Sabi nila, ‘nak sobrang proud kami sa ‘yo, pero hindi namin ma-share ‘yung trailer kasi pati ‘yung madre dinamay n’yo, pero tawang-tawa raw po sila,”

Ang binabanggit na madre ay ginampanan ni Candy Pangilinan na ang pinag-usapan nila ni Kim sa pelikula ay tungkol sa pagpi-finger.

Mapapanood na ang Jowables, na produced ng Viva films, simula sa September 25.

-REGGEE BONOAN