PUNONG-PUNO nitong Sabado ng gabi ang Shangri-La sa the Fort, ng mga nagagandahan at naggagwapuhang mga artista at personalidad, sa muling pagdaraos ng ABS-CBN Ball (dating Star Magic Ball), ang maituturing na isa sa pinakamalaking pagsasama-sama ng mga artista sa bansa.

abscbn ball

May temang “Modern Filipiniana” ang ball ngayong taon.

Wagi ang solong rumampa na si Bea Alonzo bilang Metro Best Dressed Female, habang si Richard Gutierrez naman ang Metro Best Dressed Male.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Nakuha rin ni Richard kasama ng wife nitong si Sarah Lahbati ang award para sa Couple of the Night.

Pinangalanan naman si girltrend Chie Filomeno bilang Ever Bilena Red Carpet Stunner.

Iginawad naman sa susunod na Darna na si Jane De Leon ang Belo Beauty on the Rise award.

‘Di naman nagpahuli si Maymay Entrata na iniuwi ang Belo Belle of the Ball.

Ang nalikom ng ABS-CBN ball ay gagamitin bilang pondo ng

Bantay Bata 163 at ng programa nitong Bantay Edukasyon.