MULING nagbabalik ang floorball bilang opisyal medal sports sa 30th Southeast Asian Games sa Manila.
May naghihintay bang medalya para sa Team Pilipinas sa sports na lubhang estranghero sa kamalayan ng sambayanan. Ano nga ba ang floorball?
Ito ay isang uri ng sport na maihahalintulad sa ice hockey na nilalaro ng anim katao, bawat koponan, kasama ang isang goal keeper sa magkabilang panig gamit ang stick at mag-uunahan na ibuslo ang maliit na bola sa goal.
Tatagal ng 20 minuto ang bawat isang period ng bawat laro na may kabuuang tatlong period. Ang may pinakamaraming goal ang mananalo.
Ayon kay Ralph Ramos ng Philippine Floorball Clubs Association, puspusan ang ensayo ng koponan para sa pagsabak sa biennial na nakatakda sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.
Aniya, nagsama sila ng European-based players para mapalakas ang kampanya ng koponan.
“Bale magkakaroon ng training camp for the selections of players for the national team and for this SEA Games, the team will have reinforcement from the Filipino players based in Europe,” pahayag ni Ramos.
Ang Floorball national team ay bubuuin ng men’s at women’s team ang koponan ng Floorball na magmumula sa mga pinakmagagaling na manlalaro sa iba’t ibang floorball clubs sa buong bansa.
-Annie Abad