BASE sa post ni Rayver Cruz sa kanyang IG, “Feeling honored and blessed to be part of The Clash season 2 Madami na tayong nakilalang world class performers sa Duet with Me sa Studio 7 pero ngayon, magsisimula na ang totoong laban. SOON ON GMA #TheClashSeason2.”

rayver

Kasama rin ni Rayver si Julie Anne San Jose bilang Clash Masters at sina Rita Daniela, at Ken Chan as Journey hosts.

Ang sipag-sipag ni Rayver ngayon dahil hindi siya nababakante sa GMA 7 dahil umeere pa ang seryeng Hanggang sa Dulo ng Buhay Ko at ang Studio 7 ay heto at may bagong programa na naman siya, mapapanood na ang aktor mula Lunes hanggang Linggo.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Mukhang may pinaghahandaan na si Rayver sa buhay niya in the future kaya panay ang tanggap niya ng projects?

Anyway, sa sobrang busy ng aktor ay hindi kami mabigyan ng schedule kung kailan namin siya puwedeng ma one-on-one interview.

-REGGEE BONOAN