MAY bagong album si Jake Zyrus (formerly known as Charice Pempengco) under Star Music na inilunsad nitong nakaraang Miyerkules sa Restaurant 9501 ng ABS-CBN.

Jake Zyrus

Ngayong pursigido ang Star Music na maka-penetrate sa global music market, tiyak na nakikita nila ang napakalaking pagkakataon kay Jake na nagsimula nang makagawa ng pangalan sa buong mundo simula nang mapansin nina David Foster, Oprah at Celine Dion.

Sa katunayan, may production unit ang NHK Japan na laging nakasunod at nakatutok ngayon kay Jake para sa documentary na ginagawa nito, in partnership with ABS-CBN, tungkol sa personal at professional life niya.

Pelikula

Hello, Love, Again natalbugan ang Rewind; netizens, nag-aaway sino bumitbit ng pelikula

Marami ang nanghinayang sa pagkawala ng momentum ng international career ni Charice nang bigla siyang maging transman, pero mukhang tama ang pahayag niya nang mainterbyu ng media sa album launch -- na pangalan at itsura lang niya ang nagbago.

Dahil ang art o musicality na taglay niya, nananatili pa rin.Malayo na sa dati ang pawang tunog international na mga awiting laman ng Evolution album ni Charice. First cut nito ang Diamond na matatandaang ini-release as single noong September 2018, kasama ang iba pang original songs na DNM, Love Even If, at Tapestry. Tinawag ni Jake ang Diamond bilang survival anthem niya.

Malalaman natin sa mga susunod na araw o linggo kung magugustuhan ng millennials ang kanyang album na available na sa digital stores.

Samantala, sa hinangaan ng media ang pahayag ni Jake nang tanungin siya tungkol sa kontrobersiyal na isyu sa LGBTQ+ na hindi pa rin humuhupa.

“I used to think that way, pipilitin ko ‘yung sarili ko to go to the male’s restroom but the more that I grow older, the more I realized na not everyone thinks the same, not everyone believes in the beliefs that you believe so nagsi-CR ako sa kung saan ako dapat mag-CR, so kung ano po ‘yung naiisip niyo, doon ako nagsi-CR.

I simply follow the law, I respect the law,” simulang pahayag ni Jake.“It goes both ways. It’s about behavior. It’s about how we treat each other. This is not about sexuality anymore, this is not about the CR anymore, this is about how we are going to treat each other and how we are going to understand each other.

This is not just about understanding me, understanding the LGBT community, this is both ways.”

Malinaw ang statement ni Jake, hindi niya ipipilit ang sariling mga paniniwala niya sa ibang tao.

“If someone does not understand what you are going through, if someone doesn’t understand who you are, you simply understand them kasi we don’t have the right to push everyone to accept our beliefs.

Paano kung gawin sa’yo ‘yun? “If I go to a women’s restroom and they feel awkward, it is not my fault anymore because I am just following the law because it’s what they said, right? Biologically I am a woman so I follow it. Because I don’t need everyone else’s validation of who I am.”

Nang tanungin kung nararapat bang pagawan ng hiwalay na comfort room ang LGBTQ+ members:“Ako po I agree lang kung iyon ay magpapa-better sa ating bansa sa totoo lang, if it is going to be a good thing for our country. If everyone is going to stop hating each other because of a restroom nasa gobyerno na po natin ‘yan.

There are so many problems that we should face a lot more than this. I am more concerned of that.”May mas malalalim na bagay tungkol kay Jake bukod sa evolution niya, ito ang malinaw na rebelasyon nang makaharap namin siya.

-DINDO M. BALARES