ITINANGHAL na kampeon ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa booth competition— provincial category sa kakatapos lamang na 30th Philippine Travel Mart 2019 sa Lungsod ng Pasay.

Isinagawa ang aktibidad mula Agosto 3 hanggang Setyembre 1, na nilahukan ng nasa 250 exhibitors mula sa iba’t ibang mga rehiyon, na kinabibilangan ng mga hotel, resorts, airlines, theme parks, at travel agencies.

Ipinahayag ni BARMM’s Ministry of Trade, Investment, and Tourism (MTIT) department head Shalimar Candao, nitong Lunes ang kanyang pasasalamat sa mga event organizers para sa pagkilalang ibinigay sa BARMM.

“Through this activity, the BARMM is now acknowledged for its rich culture, heritage, colorful tradition, and abundant marine resources,” pahayag nito.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Sa naganap na 3 araw na event, ipinakita ng MTIT-BARMM ang Bangsamoro Pavilion na nagmamalaki sa mga tourist destination ng rehiyon, natatanging pagkain, tradisyonal na musika, at mga kasuotang kultural. Ibinenta rin sa pavilion ang mga gawang BARMM na pagkain.

Kulang-kulang walong buwan pa lamang ang BARMM, matapos palitan ang ilang dekada ng Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM, na kinabibilangan ng mga probinsya ng Maguindanao, Lanao del Sur, Basilan, Sulu, Tawi-Tawi, mga lungsod ng Cotabato, Marawi, Lamitan, at 63 pamayanan sa anim na bayan sa North Cotabato.

Inorganisa ng Philippine Tour Operators Association, ang Travel Mart ngayong taon ay nakaangkla sa temang “Fostering Sustainable and Inclusive Tourism,” na naglalayong higit pang itaguyod at paunlarin ang lokal na turismo.

PNA