NAUNGUSAN nina Princess Catindig at Erdelyn Peralta ang kani-kanilang karibal mula sa Chinese-Taipei para makausad sa quarterfinals ng 1st Asian University Soft Tennis Championship sa Colegio San Agustin indoor tennis court sa San Jose Del Monte, Bulacan.

Ginapi ni Catindig si Yi Li Shih, 4-3 (7-5), habang nanaig si Peralta kay Yu Tung Hsu, 4-3 (7-5), kahapon para buhayin ang kampanya ng Team Philippines.

Sa doubles event nanaig ang Filipino pair kontra Mariyan Meth at Sotheary Rin ng Cambodia, 4-1,para makaabot sa round-of-16 nitong Linggo. Kailangan nilang magwagi sa tambalan nina Yuki Kasai at Yui Kuwana ng Japan para mapalaban sa bronze medal game.

Galing sa matikas na kampanya si Catindig, NCAA MVP mula sa San Beda University, sa nasungkit na bronze medal sa Asian Juniors na ginanap kamakailan ditto.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Napalaban ang Pinoy sa 1st Asian University Soft Tennis Championships, gagamiting basehan sa pagbuo ng National Team sa SEA Games, laban sa matitikas na players mula sa Japan, Chinese Taipei, India, Mongolia, Thailand, Malaysia, China, Nepal, Indonesia, South Korea at DPR Korea.

Huling nilaro ang soft tennis sa SEA Games noong 2011 sa Indonesia kung saan nagwagi ang Pinoy netters ng isang silver at limang bronze medal