NAITALA ni Philippines’ youngest Woman Fide Master at 45th seed Antonella Berthe “Tonelle” Murillo Racasa (Elo1380) ang pinakamalaking panalo sa kasalukuyan nang gibain si 9th seed Olga Karmanova (Elo1838) ng Russia matapos ang 85 moves ng Benoni defense sa ikapitong round ng Under-12 Girls division ng World Cadet Chess Championships nitong Miyerkoles sa Yujing Hotel sa Weifang, Shandong, China.

KINAMAYAN ni Philippines’ youngest Woman Fide Master (WFM) Antonella Berthe “Tonelle” Murillo Racasa ang liyamadong karibal na si Olga Karmanova ng Russia.

KINAMAYAN ni Philippines’ youngest Woman Fide Master (WFM) Antonella Berthe “Tonelle”
Murillo Racasa ang liyamadong karibal na si Olga Karmanova ng Russia.

Ang12-anyos na pambato ng Home School Global bet na si Racasa ay napataas ang total score sa 5.0 points sapat para makisalo sa 11 pang manlalaro para sa 5th to 16th na kinabibilangan nina oman Candidate Master (WCM) 7th seed Dilyana Ivanova (Elo1380), makakaharap niya sa ikawalong round.

“At first I thought it was impossible. Beating Russians in chess is like beating Mayweather in boxing. Thank you Lord for the victory,” pahayag ng kanyang ama na si Roberto sa FB message.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Ang kampanya sa China ni Racasa ay sa pagtataguyod nina Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor) chair at CEO Andrea Domingo, D. Edgard Cabangon ng ALC Group of companies, Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos, Councilor Charisse Abalos, Mr. Rogelio Lim ng Boni Tower at Makati Medical Center President at Chief Executive Officer Rose Montenegro