MAAGA pa kahapon, August 26, nag-report na sa taping si Alden Richards, para sa bago niyang teleserye sa GMA Network, ang The Gift, na ipalalabas na rin next month sa GMA primetime. Mukhang inspired magtrabaho si Alden sa kabila ng sunud-sunod na event na pinuntahan niya. Last Friday and Saturday, nasa Davao City siya para sa Kadayawan Festival, kasama ang cast na sina Martin del Rosario, Thia Thomalla, Mikee Quintos at Ysabel Ortega.

Alden set of The Gift

Pagbalik ng Manila, Saturday afternoon, idinaos ang launch ng collaboration niya sa fashion designer na si Avel Bacudio #AvelxAlden collection. One year in the making umano ito bago nila nai-launch sa tulong ng Zilingo.ph. At nitong Sunday, August 25, ginawa na ang pagbebenta ng mga items sa Eastwood Mall, na talagang ikinagulat nina Alden at Avel, dahil may mga fans na Saturday evening pa lang ay pumila na para mauna silang makabili ng items. Iyon kasing nakauna ay sinamahan pa ni Alden sa pagpili ng items na bibilhin nila at may kasama pang picture-taking sa kanya. At bago pa maggabi, nag-post na sila ng “We are sold out! Amazing!” at nagpasalamat sila sa lahat ng tumangkilik sa una nilang pagbebenta ng items. Tumanggap na rin sila ng orders na isi-ship na lamang ng Zilingo, na COD (cash on delivery).

Pero hindi roon natapos ang Sunday ni Alden dahil tumuloy pa siya para mag-perform, sa SouthStar Drug Pharmacists National Summit 2019 ng Unilab na isa sa endorsers nila si Alden.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Isa pang nakaka-inspire kay Alden ay ang patuloy na showing ng Hello, Love, Goodbye nila ni Kathryn Bernardo nationwide at extended pa ang showing sa US, Europe at 100 more cinemas in other territories.

Ngayong umaga, August 27, ang flight ni Alden papuntang South Korea para tanggapin ang isang award mula sa Korean International Drama Awards. Magkakaroon na siguro ng chance si Alden na makapasyal doon dahil three days siya roon. Nang una kasing makarating ng South Korea si Alden, en route siya noon para sa show niya sa Canada at hanggang airport lamang siya habang naghihintay ng flight nila to Canada. Safe trip Pambansang Bae!

-NORA V. CALDERON