“Personal issues, differences, views and opinions, “ito ang ibinigay na dahilan ni Sue Ramirez nang break-up nila sa dalawang taong relasyon nila ng boyfriend na si Joao Constancia, miyembro ng Boyband PH.

sue

Tinanong namin kung tungkol ba ito sa pelikulang Cuddle Weather dahil masyadong daring ang mga eksena nila rito ni RK Bagatsing.

“Ay hindi naman po kasi alam naman niya ‘to,” say pa ni Sue.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Tanda namin noong #PPP2019 Grand Launch, Hulyo 11 ay natanong si Sue kung anong say ni Joao sa trailer ng Cuddle Weather dahil nga matindi lalo na ‘yung pinaglalagyan siya ng sushi sa buong katawan at nakahiga siya sa lamesa.

Ang sagot ng dalaga, “hindi ko pa po alam kasi hindi pa niya napapanood ako rin nagulat, malalaman natin mamaya pag napanood na niya.”

But since sinabi ni Sue na hindi ang daring scenes sa pelikula ang dahilan ng paghihiwalay nila ng boyfriend, e, ano?

“Personal differences. Madaling sabihin na ‘yung differences, e, hindi nagma-matter after two years but you’ll see the effect. Nakikita mo na ‘yung effect sa ‘yo at sa kanya. Views and opinions about things,”paliwanag ng dalaga.

Baka naman lie-low lang, “hindi ko pa po alam kasi medyo bago- bago pa so, we’ll see,”sambit ng aktres.

Itinanggi rin ng dalaga na walang third party, “definitely wala.”

Mabuti na lang daw at sunud-sunod ang trabaho ni Sue kaya malaking tulong ito nang maghiwalay sila ni Joao.

“Thank God I had work, had a lot of work. My work has been helping me cope with and we still talk. Hindi kami naghiwalay na hindi kami okay sa isa’t isa. Kanina magkausap pa kami,” lahad ni Sue.

Diretsong tanong namin kung part ba ito ng promo ng Cuddle Weather, “naku hindi po, sana nga,” tugon ng dalaga.

Si Sue ang nakipaghiwalay at hindi siya nag-fall out of love, “love ko po ‘yun!”

Hirit namin kung may 2nd chance pa, “siguro hindi natin masabi, it’s too early to tell. I don’t close my doors especially to the people na nakapagpasaya at nagmahal sa akin,” katwiran ng dalaga.

Nag-uusap at magkaibigan pa rin sina Sue at Joao kaya anong relasyon mayroon sila ngayon, “ganu’n naman po. Ayaw niya (hiwalay).”

Habang kausap namin si Sue ay halatang pinigilan niyang maluha kaya panay ang lingon na tila humihingi na ng saklolo sa Regal staff na putulin na ang panayam sa kanya.

“Change topic na tayo, ayoko pong magsinungaling sa inyo,” pakiusap ni Sue.

At muling idiniin ng aktres na walang kinalaman ang pelikulang Cuddle Weather sa break-up nila ni Joao dahil gusto niyang gawin ito at wala namang hadlang ang ex-boyfriend sa trabaho niya.

Ang Cuddle Weather ay entry sa PPP3 na mapapanood simula sa Setyembre 3 produced ng Regal Films at line produced ng Project 8 corner San Joaquin Projects na idinirek ni Rod Marmol.

-Reggee Bonoan