KABUUANG 10 eskuwelahan ang nakatakdang maging pansamantalang tirahan ng mga bisitang delegasyon para sa pagtatanghal ng Batang Pinoy National Championships sa Puerto Princesa, Palawan sa Agosto 25 hanggang 31.

KABILANG ang batang chess player na lumalahok sa PSC Laro’t Saya ang hinahasa para sa Batng Pinoy program.

KABILANG ang batang chess player na lumalahok sa PSC Laro’t Saya ang hinahasa para sa Batng Pinoy program.

Kabilang sa mga eskuwelahan na gagamitin para tumanggap sa mga delegasyon buhat sa 234 na Local Government Units (LGUs) ay ang Sta. Monica Elem. School, Sta. Monica High School, F. Ubay Memorial Elem. School, Manuel Austria Memorial Elem. School, Sicsican Elem. School, Sicsican High School, Puerto Princesa Science High School, Palawan National School, Puerto Princesa Pilot Elem. School at ang San Jose Nat’l High School.

Bukod dito, may anim pang billeting areas ang kasalukuyang inihahanda sakaling may mga karagdagang kalahok na mangangailangan ng matutuluyan

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

“The PSC is ready for the growing number of delegates that will take part in the games,” pahayag ng National Secretariat Head Manuel Bitog.

Kabuuang 10,000 atleta , coaches, technical at delegation officials buhat sa iba’t ibang parte ng Pilipinas ang dadayo sa nasabing lalawigan upang lumahok sa kompetisyon ng 31 sporting event.

Kasalukuyan na rin na nagsasagawa ang tropa ng PSC ng kanilang pinal na pag-iinspeksyon sa mga venues at mga lugar na gagamitin para sa nasabing kompetisyon ng mga kabataang atleta na may edad 15-anyos pababa katuwang ang Sports Director ng Puerto Princesa na si Atty. Rocky Austria.

Bilang bahagi ng Batang Pinoy National finals, magsasagawa rin ng Children’s Fun Run ang PSC na gaganapin sa umaga ng pagtatapos ng kompetisyon sa Agosto 31, kung saan target ang 8,000 kabataan ang lalahok buhat sa nasabing probinsya.

Tangan ng Baguio city ang overall championship matapos silang magwagi sa Batang Pinoy National finals noong nakaraang taon na ginanap din sa lalawigan ng Baguio.

-Annie Abad