GUEST co-host si Heaven Peralejo sa variety show na S.M.A.C Pinoy Ito na umeere sa IBC 13 tuwing Sabado sa ganap na 4:00 ng hapon.

Heaven at Jimuel

ABS-CBN Star Magic artist si Heaven kaya nagpapasalamat siya na pinayagan siyang mag-guest sa ibang TV network.

Nasa second season na ang S.M.A.C Pinoy Ito na ang hosts ay sina Justin Lee, Isaiah Tiglao, Rojean Delos Reyes, Aina Juarez, Gabriel Umali, Rish Ramos at Mateo San Juan.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Sa ginanap na taping ng programa ay masayang binati lahat ni Heaven ang hosts at welcome naman siya at napansin naming okay kaagad ang samahan.

Gustong makatsikahan si Heaven ng ilang entertainment press tungkol sa hiwalayan nila ni Jimuel Pacquiao (anak ni Senator Manny Pacquiao) pero hindi nangyari dahil kinailangan na siyang kunan sa programa.

Sakto namang nakausap si Heaven ni MJ para sa Bandila at inamin na nga nitong hiwalay na sila ni Jimuel at pinabulaanan nito ang kumalat na ginamit niya ang credit card ng binata para ipang-grocery.

“Hindi naman po kasi totoo. Wait, gusto ko lang i-clarify ‘yung sa grocery, as in never happened ‘yun.

“Hindi ko alam kasi never din kaming nag-grocery together. So I don’t know how it happened,” klaro ng dalaga.

Hindi nakitaan ng pagkalungkot si Heaven sa hiwalayan nila ng binatang Pacquiao dahil, “I’m focusing on myself, I’m loving myself.”

Ito naman parati ang sinasabi ng lahat na kapag galing ka sa break-up ay dapat mag-focus at mahalin ang sarili.

Itinanggi rin ng aktres ang tsikang hindi boto sa kanya ang magulang ni Jimuel dahil okay sila.

“Okay naman kasi kami with the family, also with Tito Manny and Tita Jinkee. Sila mismo rin naman nagsabi na, ‘Okay naman.’

“And, ako naman kasi, ayoko ring manligaw ‘yung guy na hindi accepted rin ng parents,” saad ni Heaven.

Tanda rin namin nu’ng nakausap namin si Ms Jinky Pacquiao sa ginanap na launching ng anak bilang endorser ng brand ng jeans, ay sinabi nitong kung saan maligaya ang anak ay suportado nila at okay si Heaven sa kanilang pamilya.

Diretsong tanong ni MJ kay Heaven, kung bakit at anong nangyari na nagbunsod ng hiwalayan nila?

“Siya tanungin niyo! Siya naman may ano, oo, siya na lang,” tumawang sagot ng dalaga.

Si Heaven ang nakipaghiwalay sa binata, “sabihin na lang natin na ako ang nag-let go.”

Anyway, trulili kaya ang tsikang nakarating sa amin na ang dahilan ng hiwalayan ay masyadong mahigpit si Jimuel kay Heaven pagdating sa mga ginagampanan nitong karakter?

Bukas ang pahinang ito para kay Jimuel.

-REGGEE BONOAN