MATATATAK na kay Max Collins ang magtatapos nang teleserye niya sa GMA 7, ang Bihag na napapanood sa afternoon prime slot.

Max

“Nang i-offer sa akin ang serye, matapos kong mabasa ang summary nito, hindi ako nagdalawang-isip na tanggapin,” sabi ni Max. “Alam ko kung gaano kahirap ang role na gagampanan ko na may pisikalan kami, halos bawat eksena ni Reign (Sophie Albert). Pero bukod doon, nakita ko, habang nagti-taping kami, natututunan ko na incomparable ang pagmamahal ng ina para sa kanyang anak and of course, family’s love can forgive lahat ng mga pagkakamali.”

Ano ang pinaka-challenging na eksena na tumatak sa kanya bilang si Jessie, ang asawa ni Brylle (Jason Abalos) at ina ni Ethan (child star Rafael Landicho)?

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“Siguro po iyong eksenang nabuko ko sina Reign at Brylle na magkasama sa kama. Napagod ako sa eksenang ‘yun physically, emotionally and mentally. Mahirap po kasi para sa akin ang eksenang iyon, dahil iba’t ibang emotions ang ipinakita ko.”

Ngayong finale sa Biyernes, Agosto 16, ng Bihag, nagpasalamat si Max sa lahat ng mga nakasama nila sa serye.

“Sobrang proud ako sa lahat ng tao na naging parte ng show, lahat sila hardworking, nag-sacrifice sila ng sleep, time sa family, vacations, accepting other jobs – ibinigay nila ang buong puso nila sa show namin at sobrang thankful ako sa kanila. At masaya ako na ang dami naming mga magagandang memories. Proud ako sa friendship at pamilya na nabuo sa set.”

Ang Bihag ay idinirek ni Neal del Rosario at magtatapos na sa Biyernes, Agosto 16.

-NORA V. CALDERON