MASAYANG-MASAYA ang comedy queen na si Ai Ai delas Alas no’ng humarap siya sa media last Wednesday, August 7 kaugnay ng presscon para sa pelkula niyang And, Ai Thank You, ng Reality Entertainment na ididirek ni Joven Tan.

Ai Ai

Ayon sa aktres, todo-kayod siya ngayon sa trabaho. Apat ang project na kanyang tinatapos, tatlo ang nakabimbin pa at itong And I Thank You nga ang ipapalabas na sa August 14.

May mga bali-balitang plano muna ni Ai Ai na mag-babu sa showbiz sa 2020. Stop muna sa paggawa ng pelikula at ‘di na rin muna lalabas sa programang Sunday Pinasaya.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Sabi naman ni Ai Ai, paano daw ba siya magpapahinga sa showbiz, gayung si Mother Lily Monteverde mismo ang nagsasabing si Ai Ai ang gusto niyang gumawa ng kanyang bioflick?

“Ah, hindi! Gusto nila si ate Vi,” tukoy ng komedyante sa kaibigang si Lipa Congresswoman Vilma Santos-Recto.

“Nakita ko doon sa Facebook,” sagot pa ng comedy actress. “Pero hindi naman sa gusto ako kasi comedy. Pero mas bagay kay ate Vi o kay Judy Ann (Santos). So, I think, okay lang muna ako do’n, pass muna ako. Manonood na lang ako ng movie ni Mother Lily tungkol sa kanya.”

Ang sinasabing hiatus ni Ai Ai sa trabaho next year ay dahil plano niya at ng asawang si Gerald Sibayan na magkaanak.

Ibinahagi rin ni Ai Ai ang good news. Mayroon na silang embryo para sa kanilang upcoming in-vitro fertilization procedure.

“May embryo na kami,” masaya niyang balita.

Ang IVF procedure na pagdadaanan ni Ai Ai ay gagawin dito sa ‘Pinas, kaya ngayon pa lang ay nag-iingat na siya by taking all the necessary measures to make sure the pregnancy is safe.

“Kaya magbabakasyon talaga ‘ko, hindi ko na iri-risk (ang pagbubuntis). Kailangang mag-bed rest talaga ‘ko,” sabi pa ni Ai Ai.

Kung via surrogacy ang pagkakaroon nina Korina Sanchez at Mar Roxas ng supling, nais naman ni Ai Ai na siya ang magbuntis sa sariling anak.

“Ita-try ko muna na ako, kapag hindi kaya, kapag hindi naging successful—but I hope, mabait ang Diyos, alam ko na magiging successful. Saka lang ako magre-resort sa surrogacy. Saka, healthy naman ako, e, super healthy. Alam ko na kakayanin ko,” sabi pa ni Ai Ai.

-ADOR V. SALUTA