LIMANG taon nang magkarelasyon sina Tom Rodriguez at Carla Abellana na parehong Kapuso stars kaya ang tanong ng karamihan, kailan sila magpapakasal?

Tom at Carla

“We’re not getting any younger. ‘Yung mga ka-age namin or batch namin, they’re all settling down, having children and building families already. So super pressure talaga,” sabi ni Carla sa isang interview.

“For me, personally, whenever I hear people tell us that we have to do it, kailangan na kailangan na, I find it flattering kasi at least they want us to end up together. That’s always a flattering thought.

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

“But I don’t let it pressure me because we all have our own time to do it,” katuwiran naman ni Tom bilang pagsalo sa sinabi ni Carla.

Alam naman daw ng dalawa na no’ng maging sila na as boyfriend-girlfriend ay ayaw na nilang magkaroon pa ng relasyon sa iba.

“Malinaw na ‘yon, na ever since the beginning pa lang, malinaw na we would love to spend the rest of our lives together.

“At ‘yung pagpapakasal, depende kay Tom and only God knows. Hindi ko pa talaga alam, eh. Si Tom ang magpo-propose, eh, so siya dapat ang nakakaalam,” paglilinaw pa ni Carla.

But in fairness, pinag-uusapan na rin daw ng dalawa ang wedding plans nila kasi parte raw ‘yon ng kanilang pagsasama in the future.

Eh, harinawa nga ay sila na ang magkatuluyan.

Lovely couple if ever. ‘Yun na!

-Mercy Lejarde